Shallimar Point Of View. "BABY! gising kapa?" tanong ko... "bakit po mommy? ano po 'yon?" sabay bangon n'ya mula sa pag kakahiga nito sa kama. Siguro panahon na para sabihin ko 'yong totoo. "Baby! bakit hindi mo tinatanong kong buhay pa si Daddy mo o wala na?" takang tanong ko. Kahit kailan kasi hindi s'ya nag tanong tungkol sa Daddy n'ya, kaya nga nag tataka ako, kung bakit hindi s'ya nag tatanong ng bakit hindi namin kasama ang Daddy n'ya. "Kasi po! okay na po ako na kasama kita mommy, alam ko po kasi na ayaw akong makita ni Daddy kung buhay pa po s'ya" bigla akong napaluha sa sagot n'ya. "'Wag ka pong umiyak mommy! hindi po kita iiwan!" pag papatahan n'ya. Mas lalo pa akong napagulgol, dahil paano ko ba kasi sasabihin na buhay pa rin ang Daddy n'ya, kaya lang mag papakasal na ito

