Shallimar Point Of View. "NURSE. Jiao! wake up!" sabay tapik tapik sa pisngi ko, napa mulat naman ako ng mata, nang maalala kong kidnap ako ng lalaking 'yon. "Wahhh!" malakas kong sigaw sabay urong, wala na akong tali ngayon. "Halikana! nandito na tayo" sabi n'ya, pero umusog pa ako, malay ko bang may gagawin pala s'yang masama sa akin. "Ayaw! tulong! tulong!" sigaw ko... "stopped! halikana!" sabay hila n'ya sa akin. "No! pakawalan mo na ako! wala kang makukuha sa akin" sigaw ko, pero hinila na n'ya ako, at kinaladkad kong saan. Subrang dilim kaya hindi ko alam kong saan lugar 'to. "Bitawan mo ako! bitawan mo ako sabi!" pamimilit ko, pero si gago tumawa lang. "Anak! Shallimar!" nagulat na lang ako ng sumigaw si Mama, bago tumakbo at niyakap ako. "Mama!" maluha luha kong ani... "a

