"LAHAT ng CCTV sa mall chineck na namin, pero wala talaga kaming nakitang kakaiba ang kinikilos, pati rin ang CCTV na malapit sa pinagyarihan ng nangyaring kidnapping kay Missis. Willson, tanging itim na van lang ang nakita namin dito, dahil sa madilim ang lugar na 'yon, at hindi rin ma trace ang cellphone n'ya" paliwanag ng mga pulis kay Yuhan, at sa mga family ni Shallimar. Wala sa sariling napasabunot na lang si Yuhan sa narinig. "Please! gawin n'yo ang lahat mahanap lang s'ya! kahit mag kano kaya kung ibigay! mahanap lang ang asawa ko" pakiusap n'ya sa mga imbistigador. "Wala kabang alam na puwedeng gumawa sa kan'ya nito? wala ba kayong alam na naka alitan n'ya o may galit sa kan'ya?" tanong ng mga pulis. "Iisa lang ang puwedeng gumawa nito, si Emily lang! dahil si Emily lang ang

