Shallimar Point Of View. "SIGE na po Mama! Papa! payagan n'yo na akong mag stay dito please!" pakiusap ni Shawe kay Mama at Papa, dahil uuwi na ngayon. Tapos maiiwan kami ni Dr. Yuhan dito, keso raw honeymoon daw namin, asa pang may mangyayari, never ever. "Sige na Pa! Ma! total bakasyon naman n'ya, dito na lang si shawe sa amin, 'wag kayong mag aalala Papa, dahil iingatan ko po 'tong pinakamamahal kong bunso!" sabay pisil sa pisngi n'ya. "Aray!" reklamo n'ya... "sige! basta siguradohin mo lang walang mangyayaring masama sa kapatid mo! 'wag mong papaiyakin 'yan!" paalala ni Mama. "Opo Mama!" sabay ngiti ko, pagkatapos no'n, agad na silang sumakay ng van, at mabilis na pinatakbo. Tatlo lang kaming natira dito sa bahay, may katulong naman dito, kaya no more worry. Tapos umuwi na ri

