Myra's Pov: Sa buong durasyong ng aming biyahe ay nagtanong lang nang nagtanong si Ronmar. Mga bagay na nilinaw n'ya at iyong magiging mga plano namin sa oras na may hindi inaasahang pangyayari. Hindi rin naman ganoon katagal ang naging biyahe namin. Dahil pagkatapos ng may dalawampung minuto ay pumasok na sa parking space ng ospital ang sasakyan ni Ronmar. Sabay pa kaming bumaba roon matapos n'ya iyong i-park. "Sigurado ka bang okay lang na narito ka sa ospital?" tanong ko habang naglalakad. "Ang alam ko ay madami pang trabahong naghihintay sa 'yo sa presinto. Marami rin iyong mga cases na kailangan mong ibalik sa records room." Kumamot sa ulo si Ronmar. "Naipakiusap ko na kay Officer Renz na s'ya na ang magbalik ng mga file na iyon sa records room. Isa pa ay nagsabi naman ako na ma

