Nanatili pa ring nakatingin sa akin si Estella, na tila ba hinihintay kung ano man ang sasabihin sa mga sinabi niya. Napabuntong-hininga ako at umiwas nang tingin sa kanya. Sa ngayon ay ayoko munang malaman niya iyon. "Hindi ko alam kung ano ang tamang sabihin doon sa mga sinabi mo. Dahil hindi ko naman naramdaman at wala akong ediya sa sinabi ng matandang iyon," pasisinungaling ko sa kanya. Napataas ang kilay niya, matapos ko iyong sabihin at umiwas nang tingin sa akin. Mukhang iniisip niya na pareho kaming apektado tungkol doon. Subalit, ayoko munang malaman niya iyon at kung maaari ay hindi muna talaga. "Ganoon ba," sabi niya at napabuntong-hininga. "Hmmm, ngunit kahit ganoon ay susubukan nating bumalik sa ayos ang lugar na ito. Naniniwala akong matatapos natin ang misyon, na walang

