Nagising si Axel, dahil sa nararamdam niyang sakit ng ulo at tila ba naliliyo pa siya sa kanyang nararamdaman ngayon. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama at napatingin sa paligid. Habang nakatulala siya ay tila may naalala siyang eksena, na nangyari kagabi. Kaya pilit niyang inaalala iyon, nang maalala niya ay nasapo na lamang niya ang kanyang noo at napailing.
"Bakit ba kasi siya nandito kagabi, alam naman niyang ganoon ako kapag nalalasing. Tsk!" napapailing na lang niyang sabi at napabuntong-hininga. Bumangon siya sa kama at dahan-dahang naglakad palabas ng kanyang kwarto. Subalit, agad siyang napahinto nang mapansin niyang hindi siya nag iisa sa bahay niya. Napakunot noo siya at naglakad pababa, hanggang sa makarating siya sa kusina. Doon, nakita niya ang isang babaeng nakatalikod sa kanya at may inihahandang pagkain. Napalingon ito sa gawi niya, kaya nakilala niya ito.
"Fiona?" kuno't noo'ng tawag niya dito. Napairap si Fiona sa kanya at binalik ang atensyon sa ginagawa.
"Mabuti naman at nagising ka ng maaga. Saglit lang at malapit na itong maluto, para magkalaman ang tiyan mo. Kung gusto mong magkape, nandiyan na sa mesa. Kumuha ka lang ng mainit na tubig sa thermos," sabi sa kanya ni Fiona habang inaasikaso pa rin ang niluluto nito.
Napatingin si Axel sa mesa kung saan nakalagay ang tinutukoy nito.
"Bakit ka nandito?" tanong niya dito at kinuha ang isang tasa, saka nilagyan ng kape. Naglakad siya para kunin ang thermos, upang maglagay ng mainit na tubig.
"I told you before, I will serve you in return for saving me before," sagot niya kay Axel at napatingin dito. Kumuha siya ng dalawang plato, saka nilagay sa mesa.
"Sinabi ko na rin saiyo, na hindi mo na kailangang gawin ito. Ayos na sa akin, na pinagsilbihan mo ako ng isang beses. Kaya hindi mo na ito kailangang uulit-ulitin," sabi ni Axel at bumalik sa mesa upang umupo.
Pabagsak na nilagay ni Fiona ang hawak niya sa mesa at tiningnan si Axel.
"Pwedi bang hayaan mo na lang ako sa gusto ko? I want to serve you," saad ni Fiona.
Napabuntong-hininga naman si Axel at napatingin kay Fiona. Nagtama ang paningin nilang dalawa at seryoso niya itong tiningnan.
"Look, I don't want you to do this kind of treatment. Ayokong isipin nila na ginaganito kita, simula ngayon ay huwag mo na itong gawin pa sa akin at layuan mo na lang ako," seryosong sabi ni Axel kay Fiona, na bahagyang natigilan sa kanyang sinabi.
Walang salitang tumalikod si Fiona at binalikan ang kanyang niluluto. Pinatay niya ang kalan, at kumuha ng mangkok upang lagyng ng mainit na sabaw. Hinain niya ito sa harap ni Axel at tahimik na umupo. Pinagmasdan lang ni Axel si Fiona habang tahimik itong kumikilos. Napapailing na lang siya at hinayaan na lang muna ito. Tahimik silang kumakain dalawa. Inaamin niya naman sa sarili na natutuwa siya, dahil may nag aalala at nag aalalaga sa kanya. Simula kasi nang iwan siya ng kanyang nakakatandang kapatid na babae ay mag isa na lang siya sa bahay. Umalis ang nakakatanda niyang kapatid upang maglakbay, iyon rin ang gusto niya. Subalit, hindi niya alam kung mahahanap ba niya ito.
Napatingin siya kay Fiona, na napapasulyap sa kanya.
"Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"
"Siguro ay gusto mo lang na makapunta dito ang mga babae mo, kaya pinapaalis mo na ako. Tama ba?" sita ni Fiona sa kanya.
Natawa naman si Axel sa sinabing iyon ni Fiona. Kaya sinamaan siya nang tingin nito.
"What's wrong with that? I'm a man too, Fiona. I can do whatever I want, even if I'm with some ramdom woman. You don't need to care," sabi ni Axel dito.
Hindi naman magawang magpatuloy sa pagkain si Fiona, dahil sa sinabing iyon ni Axel. Napansin naman agad iyon ni Axel at bahagyang napabuntong-hininga.
"Look, Fiona.. ayokong masamain mo ang sinabi ko, dahil iyon naman ang totoo. Isa pa, wala naman tayong relasyon para pagsabihan mo ako ng kung ano ang dapat kong gawin. I'm sorry, kung nasaktan kita sa sinabi ko. But, that's the truth and I know, you already know that," seryosong sabi ni Axel kay Fiona, na bahagyang napayuko at nilapag ang hawak nito saka biglang tumayo.
"Masyado ka ba talagang manhid, para hindi maramdaman na gusto kita? Ginagawa ko ang lahat ng ito, dahil gusto kita! Gusto kong mapalapit saiyo, kahit alam kong marami ng lumalapit saiyo. Gusto kong ibigay kung anong kaya nilang ibigay saiyo, pero natatakot ako! Gusto kita, Axel! Simula pa noong bata pa tayo, oo, hindi tayo close pero lagi kitang nakikita at hanggang ngayon ay iyon pa rin ang nararamdaman ko saiyo, na guso kita!" umiiyak na sigaw ni Fiona at mabilis na naglakad palabas ng kusina.
Hindi naman nakakilos agad si Axel dahil sa pagkagulat niya sa mga sinabi nito. Totoo naman iyon, lagi niyang nakikita noon si Fiona dahil nga ay malapit rin siya sa pamilya nito at kaibigan niya ang kuya nito. Hindi niya aakalain na ganoon na pala ang nararamdaman ni Fiona noon sa kanya. Napapikit siya at nag isip ng mabuti, kung ano man ang gagawin niya ngayon. Pakiramdam niya ay tila gumaan ang dibdib niya dahil sa nalaman niyang gusto siya ni Fiona. Agad siyang napatayo at sinundan si Fiona. Subalit, hindi na niya ito nakita at hindi na rin niya maramdaman ang presensya nito.
Napabuntong-hininga na lang siya at napaupo sa couch.
"Tsk! Ang bilis naman ata niyang nakaalis," napapailing na lang niyang sabi at mayamaya ay bumalik siya sa kusina at inubos ang inihandang pagkain ni Fiona, na hindi maalis-alis ang ngiti sa kanyang labi.
Natutuwa siya ngayon dahil narinig niya rin sa wakas mula kay Fiona, kung ano ang nararamdaman nito sa kanya.
Matapos niyang kumain ng umagahan ay nagpagsiya siyang hanapin si Fiona. Kaya nag ayos muna siya at nagbihis ng damit, saka lumabas sa kaniyang bahay.
"Axel!"
Napahinto siya, nang may tumawag sa kanya at nakita niya ang isa sa kanyang kaibigan na si Kevin; ang kiya ni Fiona.
"Oh? Ikaw pala!" bati niya dito.
"Halika na, may paligsahan doon sa centro at siguradong magugustuhan mo ito. Tara!" anyaya nito sa kanya.
"Anong klaseng paligsahan naman?" tanong niya dito.
"Basta! Halika na," muling sabi nito at inakbayan siya.
Wala na siyang nagawa, kundi ang sumunod na lang dito patungo sa centro. Nais sana niyang tanungin ito tungkol kay Fiona, ngunit naisip niyang mamaya na lang siguro.
Pagdating nila doon ay nakita nilang may nagkukumpulang mga tao. Sumiksik sila doon, hanggang sa nakita niya kung anong nangyayari. Nakita niyang may isang ring na nasa gitna at may dalawang lalaking naroon. Nakita niya rin na may isa pang lalaking nakahiga at tila wala ng malay.
"Okay! Sino pang gustong sumali diyan? Kailangan niyo lang talunin ang lalaking ito na nakatayo ngayon sa ibabaw ng ring. Tanging lakas lang ang maaari niyong gamitin at hindi pweding gumamit ng kapangyarihan. Malaki ang perang makukuha ninyo sa kung sino ang makakatalo sa kanya. Kaya naman, sino sainyo ang may gusto na sumali?"
Narinig nilang sabi ng isang lalaki. Naiintindihan ni Axel ang sinasabi nito, ngunit kailangan niya munang malaman kung anong kakayahan nito. Kaya naman hindi muna siya sumali.
"Ano? Sasali ka ba?" tanong sa kanya ni Kevin.
"Mamaya na, tingnan muna natin kung anong kakayahan mayroon ang isang iyan," sabi niya kay Kevin.
Mayamaya ay may nagtaas ng kamay. Hindi pamilyar sa kanya ang lalaki, kaya sigurado siyang hindi ito tagarito sa kanila. Maging ang namamahala sa paligsahan ay hindi niya kilala.
"Oh ayan! May isa na! Halika dito, umakyat ka," sabi no'ng lalaking nagsasalita. Pinapunta niya sa ring ang isang lalaking matipuno ang pangangatawan, na parang lagi itong nag g-gym.
"Susubukan kong labanan siya," sabi nang lalaki na lalaban.
Pinagmasdan ni Axel ang lalaking kalahok sa laban at nakikita niya namang may laban ito. Subalit ang lalaking katunggali nito ay may kakayahan rin. Nararamdaman niyang may nakatago rin itong lakas. Subalit, tulad ng lalaking nagsasalita ay hindi pweding gumamit ng kapangyarihan. Kaya naman, pagmamasdan niya kung ano ang gagawin nito.
Mayamaya ay nakita na niyang magsisimula na ang laban ng dalawa. Unang umatake iyong naghamon at sinugod ang lalaki. Ngunit nakaiwas ito at naging mabilis ang kilos nito. Napunta ito sa likod at mabilis na hinampas ang kalaban nito sa batok, kaya napaatras ito. Ngunit may nakita si Axel, sa may braso nito. Isang kakaibang tattoo, na para bang pamilyar sa kanya. Mariin siyang napatitig sa tattoo nito, kaya naman hindi na niya namalayang tapos na pala ang laban.
"Ayon! Tapos na, ano lalaban ka ba?" tanong sa kanya ni Kevin.
Bigla na lang siyang tumalikod at umalis doon sa kumpulan. Kaya hinabol siya ng kanyang kaibigan.
"Hoy, bakit ka umalis? Kaya mo namang labanan iyon di ba?" nagtatakang sabi ni Kevin sa kanya.
"Oo naman, kaya ko siyang labanan. Kakaiba ang pakikipaglaban niya, hindi nga siya gumagamit ng kapangyarihan dahil iyon talaga ang specialty niya. Well, kailan mo pa sila nakita dito?"
Napabuntong-hininga na lang si Kevin at sinagot ang tanong niya.
"Kahapon pa, wala ka kasi kahapon. Kinalaban siya nina Troy, pero natalo pa rin sila. Kaya naisipan kong baka magawa mo siyang matalo, pero iba pala ang trip mo," napapailing na sabi ni Kevin sa kanya.
Hindi siya nagsalita at napaisip na lang, lalo na sa tattoo na nakita niya sa may braso nito.
"Saan sila tumutuloy?" seryoso niyang tanong kay Kevin.
Nagugulat namang tumingin si Kevin sa kanya.
"Teka? May binabalak ka ba?"
"Sagutin mo na lang ako, kung alam mo," sa halip na sabi niya dito.
Napabuntong-hininga na lang si Kevin dahil sa kakaibang aura ni Axel.
"Doon sa hotel na iyon, iyong hindi masyadong mataas. Doon namin sila nakitang tumuloy kahapon. Hindi ko nga lang alam, kung anong room," sagot sa kanya ni Kevin.
"Ganoon ba, sige," sabi ni Axel at muling tumalikod kay Kevin.
"Teka? Anong binabalak mo?" tanong ni Kevin at hinabol si Axel sa paglalakad.
Hindi agad nakasagot si Axel, dahil hindi niya alam kung kailangan niya bang sabihin dito ang nasa isip niya. Subalit, naisip niyang mabuting kaibigan si Kevin at marami na rin naman itong alam sa buhay niya. Kaya walang dahilan upang ilihim niya dito, kung ano man ang nasa isip niya.
"Nakita mo ba ang tattoo sa may braso niya?" mayamaya ay tanong ni Axel kay Kevin.
Nagtataka namang napatingin si Kevin sa kanya at inalala ang sinabi nitong tattoo sa lalaking nakalaban ng kaibigan nito.
"Napansin ko ngang may tattoo siya, bakit?" nagtatakang tanong naman ni Kevin.
"Nakita ko na iyon dati at hindi ako sigurado kung tama ang hinala ko. Nakita ko iyon sa litratong ipinadala ni Ate 3 years ago. Nakita ko mismo sa may dibdib niya ang tattoo na iyon at hindi ko alam kung anong koneksyon ng lalaking iyon at ni Ate, kung bakit sila pareho ng tatoo," seryosong paliwanag ni Axel.
Doon naman natigilan si Kevin sa sinabing iyon ni Axel. Kilala niya ang ate ni Axel, dahil nga ito ang nag aalalaga kay Axel noon hanggang sa lumaki. Kaya lang ay hindi na rin niya ito nakita ng umalis ito. Ito rin ang dahilan kung bakit nagpupursigi si Axel, para maging isang mahusay na salamangkero.
"Kung gano'n, anong plano mo ngayon?"
"Gusto kong kausapin ang lalaking iyon, kung ano ang koneksyon niya sa ate ko," seryoso niyang sabi.
Hindi na nakapagsalita pa si Kevin at hinayaan na lamang niyang mag isip si Axel, sa kung ano man ang gagawin nito ngayon.
Mayamaya ay biglang naalala ni Axel si Fiona, kaya bumaling siya kay Kevin.
"By the way, did you know where is Fiona?" tanong niya dito.
"Huh? Hindi ko alam eh, kanina kasi maaga siyang umalis sa bahay at nagpaalam na may pupuntahan na kaibigan. Iwan ko lang kung nakabalik na siya ngayon, bakit?" pahayag ni Kevin.
Napaiwas naman si Axel nang tingin dito, lalo na nang malamang maaga itong umalis kanina para puntahan siya. Tapos kung ano-anong sinasabi niya dito, na-guilty tuloy siya.
"Ganoon ba? Wala lang, nakita ko rin kasi siya kanina na subrang aga. Kaya tinatanong ko lang," pagsisinungaling niya dito at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na nagsalita si Kevin, dahil wala naman siyang alam sa kung anong nangyayari kina Axel at Fiona. Naisip na lang ni Axel, na palihim niya itong puntahan kung saan man ito naroong ngayon.