Kinagabihan ay nagising ako, dahil parang nagugutom ako. Hindi ko napansin ang oras at nakalimutan kong kumain ng hapunan. Napatingin ako sa oras at nakita kong alas-9pm na ng gabi. Napabuntong-hininga ako at bumangon mula sa kama. Nagsuot ako ng jacket, saka ako lumabas ng inuupahan kong kwarto. Naghanap ako ng kainan ng ganoong oras at mabuti na lang ay mayroon pang bukas. Papalapit na ako roon, nang may napansin akong papalapit sa akin. "Tella?" sambit ko nang makita ang aso ni Estella. Tumahol ito at lumapit sa akin. Umikot siya sa akin at dinilaan ang heta ko. Napangiti naman ako at binuhat siya. "Why are you here? Where is Estella?" tanong ko pa kahit alam kung hindi niya ako sasagutin. "Wow ah? Matapos mo akong iwan ay hahanapin mo ako?" Napalingon ako sa aking likod, nang

