Narinig pa niya sa background ang kinikilig na chorus na tili ng mga bading na parlorista nito. Nahagod ni Honey ng paulit-ulit ang buhok. Hanggang wala na si Mamu sa kabilang linya ay napapakamot pa rin siya ng ulo. Puwede namang hindi na lang pansinin ng Mamu Pauline niya si Ybeth, bakit kaya kailangan pa siyang isubo nito sa weird na sitwasyong iyon? Sa huli ay naisip ni Honey kumbinsihin na lang si Ben tungkol sa plano niyang gamitin ito. Hiling lang niya, sana ay hindi magkalat ang bading na iyon kung hindi ay pagtatawanan siya ni Ybeth. Lumabas siya ng silid para kausapin si Benito. Nasa sala ito at nakahiga sa sofa. Hawak ang isa sa mga libro. "Nag-aaral ka, Ben?" simula niya. Naupo siya sa sahig, sa may paanan nito. "Obvious ba, lola?" malanding balik nito sa kanya. Napangiwi

