TUTOP ang bibig na pinagmamasdan ni Honey ang marahang paglalakad ni Ben palapit sa kanya. Nakatayo siya sa may pintuan at naghihintay. Mag-aalas sais pa lang ng umaga nang mga sandaling iyon. Nauna na niyang nalaman sa text na hindi ito makakauwi sa apartment sa oras na inaasahan niya. Dumaan daw muna sa ospital. May nangyari sa Mystic bar at aksidenteng napasama si Ben sa mga nasugatan. Kaagad na nagulo ang mundo ni Honey. Kahit madaling araw kanina,gusto niyang lumabas at hanapin si Ben. Wala nga lang siyang ideya kung saang ospital. Sinadyang hindi sabihin sa kanya, ayaw nito na lumabas pa siya. Bumalik sa pagtulog, iyon ang gusto nitong gawin niya. Paano niya magagawa iyon kung labis labis ang nararamdaman niyang pag-aalala? Hindi rin maintindihan ni Honey kung bakit ganoon na lang

