Habang naglalakad si Aulora sa kanto papunta sa kanilang dorm, ay may nakita siyang liwanag na nasa gitna ng kalsada. Hindi niya alam kung sno 'yun. Kaya pinabayaan niya na lang ito at mas binilisan ang paglalakad. Ano naman ang ibig sabihin hg liwanag na 'yun? Tinignan niya ang mga taong kasama niya sa paligid, pero wala namang nakakapansin sa liwanag na nakikita niya ngayon. Nang makabalik ang tingin niya sa liwanag, ay wala na ito. Anong meron? Bakit siya nakakakita ng liwanag? Mamamatay na ba siya? Hindi, imposible naman na mamamatay agad siya dahil hindi pa nag-uumpisa ang laban niya. Masyado lang maaga para mawala sa mundong 'to. Hindi niya pa natatapos ang mga bagay na kailangan niyang tapusin. Hindi niya na ililigtas ang mundong pinahawak sa kaniya. Kailangan niya bang sabihi

