“Mom,” seryosong saad ni Aulora nang makita niya nag kaniyang nanay na nakataas ang paa at may bandaid sa balikat at braso. “Hindi ko pa malalaman na naaksidente ka kung hindi sinabi sa akin ni Jasper,” dagdag pa nito. Napangiti naman ang nanay niya nang makita niyang pumasok ang mga kaibigan ni Aulora.
Binati ng mga ito siya. Pakiramdam niya tuloy ang dami niyang anak dahil ang daming nag-aalala sa kaniya.
“Naku, Tita. Alam niyo po ba noong nalaman ni Aulora na naaksidente kayo, ay agad-agad niyang gustong lumuwas dito sa Manila. Kami rin naman po nag-aalala sa inyo kaya nga po sumama kami kila Aulora dahil gusto naming makita ang kalagayan niyo.”
“Maraming salamat, Nia. Salamat sa inyong lahat dahil naisipan niyong dalawin ako rito. Kumusta naman ang byahe niyo?”
”Maayos po byahe namin dahil napakaganda po ng private airplane niyo. Hindi niya po namin inaasahan na sasakay kami ron. Kasi ang akala po namin, ay nakabili na sila Aulora ng ticket namin papunta rito. Nagulat na lang kami dahil binaba kami ng driver niyo sa mismong eroplano na wala kaming kamalay-malay na ‘yun pala ang sasakyan namin,” madaldal na pagkekwento ni Xia. Kaya mas lalong natuwa si Grace.
Nagpapasalamat siya kay bathala dahil ang mgakaibigan ng anak niya, ay may malasakit, mabait, at may respeto. Bihira na lang din kasi ang mga taong ganito. Maganda rin pala na pinayagan niya ang anak niya na mag-aral sa Grimson City.
“Tita, pagpasensyahan niyo na po si Xia dahil napakaingay niya.”
“Hayaan niyo siyang mag-ingay, Nia. Maganda nga ‘yun na may maingay dito dahil simula noong dumating ako rito sa hospital na ‘to, ay sobrang boring. Halos mukha lang ng doctor at ng asawa ko ang nakikita ko rito.” Nagsitawanan ang lahat maliban kay Eliezar, Lene, at Aulora.
Nag-aalala pa rin kasi si Aulora sa nanay niya. Gusto niya sanang tumulong o bawasan man lang ang sakit na nararamdaman ng nanay niya. Kaso wala siyang magawa dahil hindi naman niya kayang iheal ang ibang tao.
“Huwag ka namang tumingin sa akin ng seryoso, anak. Nahimatay lang ako kaya ako nalaglag sa hagdanan.”
“Why? Bakit ka nahimatay? Hindi mo ba inaalagaan ang sarili mo, Mom? Nsaan ba si Dad?”
“Siya ngayon ang nag-aasikaso ng kompanya natin. Nagpaalam naman siya sa akin bago siya umalis at sinabi niya sa akin na sina Jasper muna ang magbabantay sa akin. Buti nga dumating kayo.” Napabuntong hininga si Aulora dahil hindi siya makapaniwala na iiwan ng tatay niya ang nanay niya. Dapat hinintay muna nito ang mga kapatid niya o sila na makadating bago umalis.
“I’ll go talk to him.”
“Huwag na anak.”
“Mag-uusap lang kami, Mom. Hindi naman kami mag-aaway. Meron lang talaga akong itatanong sa kaniya na siya lang ang makakasagot. Kaya kailangan ko siyang puntahan sa kompanya. Dalawa po kasi ang dahilan kung bakit kami pumunta rito. Sa totoo lang kami lang po talaga ni Lene ang pupunta rito, pero nalaman ko po na pupunta rin si Eliezar dito dahil birthday ng nanay niya. Kaya naisip ko na isama siya. Pagdating naman ng umaga, ay pinilit ako nina Nia na isama sila dahil nag-aalala sila sa’yo. Si Azaiah naman, ay sumama dahil wala siyang kasama ron. Kaya biglaan ang lahat ng ‘to.”
“Sige, basta balik ka pagkatapos mo ah?”
“Babalik naman po ako, Mom. Dahil kayo po ang dahilan kung bakit kami nandito sa harap mo ngayon.” Niyakap ni Aulora ang kaniyang nanay at humarap na sa mga kaibigan niya.
“Dito na lang muna kayo. Hindi na muna kayo makakapasyal ngayon dahil kailangan ni Mom ng kasama rito.”
“Hindi anak, mamasyal lang sila dahil madaming mapapasyalan dito.”
“Mom, pumunta sila rito para kumustahin ka hindi ‘yung mamasyal. Saka may panahon para riyan. Mas kailangan mo ng kasama rito.”
“Kaya nga po, Tita. Gusto po naming makakwentuhan ka dahil namiss ka po namin,” nakangiting saad naman ni Azaiah. “Magpapaiwan na lang ako rito, Eliezar. Hindi naman kasi ako invited sa birthday ng nanay mo. Kaya mahihiya lang ako ron at ikaw lang naman ang kaclose ko ron maaout of place lang ako,” dagdag pa nito na nagpatungo kay Eliezar.
Tinunguhan ni Aulora si Lene na nagsasabi na kailangan na nilang umalis. Pati na rin kay Eliezar, pero nahiya siya nong ginawa niya ‘yun. Para kasing ang weird para sa kaniya.
Nang makalabas sila sa kwarto ng nanay niya, ay nakahinga ng maluwag si Aulora.
“Anong sasabihin mo sa tatay mo?” seryosong bulong ni Lene kay Aulora. Nasa likod naman si Eliezar kaya sigurado sila na hindi sila maririnig nito.
“Alam kong kabisado ni Dad ang buong Manila. Kaya makikita agad natin ‘yun.”
“Paano niya malalaman kung anong lugar ang hinahanap natin?”
“Drinawing ko kagabi ang lugar na ‘yun. Huwag kang mag-alala marunong ako magdrawing kaya maiintindihan ‘yun ni Dad. Hindi naman din ako magdodrawing kung hindi ako marunong ano?” Napa’tsk’ si Lene.
“Hindi na ako sasabay sa inyo. Sasakay ako ng SUV dahil medyo malayo pa rito ang bahay namin,” singit naman ni Eliezar. Kaya lumayo na si Eliezar sa kanila.
“Hindi kaya narinig niya ang sinabi ko. Kaya lumayo agad siya sa atin?”
“Ano naman ang masama kung marinig niya ang sinabi mo?”
“Wala lang, hindi ba nga may sikreto tayo? Kaya nga tayo nagbubulungan para hindi niya marinig e. Saka kapag narinig niya ‘yun, ay baka macurious siya at magtanong sa akin o kaya sa’yo.” Hindi na lang pinansin ni Lene si Aulora dahil pumasok na sila sa sasakyan.
“Sa kompanya po tayo, kuya,” utos ni Aulora sa driver.
“Sige po, Mam.”
“Paano kung hindi niya alam ang lugar na ‘yun?”
“E ‘di hindi niya alam. Madami pa naman tayong paraan para mahanap ang lugar na ‘yun dahil meron naman akong drawing. Pwede nating ipakita sa mga tao rito sa Manila kung ano nag hinahanap natin. Mabilis lang naman ‘yun dahil madaming tao rito.” Sa nakikita nga nila sa labas ng sasakyan, ay madaming naglalakad na mga tao at madami ring sasakyan at bus.
“Okay.” Iyon na lang ang nasagot ni Lene dahil wala naman siyang choice kung hindi ang pakinggan si Aulora. Hindi rin kasi siya masyadong familliar sa Manila kaya hindi niya rin alam kung saang lugar ‘yung nakikita ni Aulora sa utak nito.
“Ano nga pala ang gagawin natin kapag nahanap na natin ang bahay na ‘yun?” tanong ni Aulora. Napaisip din tuloy si Lene kung ano ang gagawin nila. Hindi pa kasi nila alam kung ano ang dahilan kung bakit nakikita ‘yun ni Aulora.
“Hindi ko alam, siguro malalaman natin kung ano ang gagawin natin doon kapag nakapunta na tayo. Hindi naman kailangan palagi tayong may plano.”
“Sige sabi mo e.” Napasimangot si Aulora at biglang nakaramdam ng gutom. Nagcrave tuloy siya sa pizza na madaming cheese.
“Kuya, pwede po bang bumili ka po muna ng pizza na madaming cheese?”
“Sige po, Mam. Wait na lang po kayo rito ako na lang po ang bababa.”
“Salamat po.”