"Hindi pa po ba kayo kakain, Sir? Kanina pa po kasi kayong nandyan at kanina pa po dinner time. Hindi po ba kayo nagugutom?" saad ng nurse na dumaan sa kanila. Ang nurse na ito, ay ang nagbigay sa kaniya ng damit. "Hindi pa po ako nagugutom. Hintayin ko na lang magising ang kaibigan ko. Para sabay kaming kakain." "Sigurado po ba kayo? Baka po kasi hindi pa magising ang kaibigan niyo dahil kanina pa po siya natutulog. Kumain na po kayo. Magsasara na rin po kasi ang canteen ng hospital. Baka hindi na po kayo makaabot." Napabuntong hininga na lang si Eliezar at tinunguhan ang nurse. Hanggang ngayon kasi, ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Kaya hindi pa rin makapunta ang mga kaibigan nila sa hospital para bisitahin si Aulora. "Gigising ka pa ba? O hindi na? Magbigay ka naman ng sign na ma

