Napapalakpak si Aulora habang pinapanood niya ang mga kaibigan niya sa pakikipaglaban. Tig-iisa rin kasi ang mga kaibigan niya ng mga kalaban. Ang mga babae, ay nahihirapan sa pakikipaglaban, pero ang dalawang lalaki hindi dahil siguro nakakaisip sila ng paraan kung paano papatumbahin ang kanilang kalaban. Ang mga babae kasi, ay kinakabahan at hindi alam kung ano ang gagawin. Sa nakikita niya kasi sa mga mukha ng dalawang babae, ay nahihirapan sila. Gusto nga sanang tulungan ni Aulora ang mga babae, pero baka maistorbo niya ang pagtetraining at pagalitan siya ng mga anak niya. “Huwag ka muna pumalakpak, Ina. Dahil hindi pa naman tapos ang laban nila. Tignan mo nga ang dalawang kaibigan mo na babae. Hirap na hirap na sila at parang gusto na nilang sumuko.” “Alam ko ‘yun, Killian. Masay

