u "Ito ba ang sinasabi mong nangyayare ngayon?" tanong ni Lene nang makapasok sila sa dorm. Bumungad kasi agad sa kanila ang mga anak ni Lene na ngayon, ay bored na bored na pati na rin ang mga kaibigan nilang natutulog pa. "Bakit mo siya dinala rito, Ina?" takang tanong naman ni Viper. Oo nga pala, hindi niya pa sinasabi sa mga anak niya na alam ni Lene ang kanilang sikreto. "Alam nila kung ano tayo, Viper. Kaya hindi mo kailangan mag-alala." "Ano po? Bakit niya po alam? Delekado po 'yun, Ina. Alam niyo naman po na baka madamay siya sa ating problema dahil maaari po siyang makuha ng maire." Lahat tumingin kay Lene dahil bigla itong tumawa. Kaya nagtaka na silang lahat. Kilala nila si Lene na hindi palatawa. Kaya may kakaibang nararamdaman si Aulora ngayon. Hindi ba si Lene ang nasa t

