“Ang ibig mong sabihin, ay simula noong sanggol ka. Ikaw na ay isang dyosa?” Tumungo si Aulora bilang sagot. “Kaya ba sa isang island kayo nakatira at first time mong nakapunta rito noon? At hindi ka pwedeng lumabas sa bahay niyo. Dahil isa kang dyosa na merong kapangyarihan?” dagdag pa nito na napangiti kay Aulora. “Buti naman naintindihan mo na. Sana naman naniniwala ka na sa akin ano? Ayaw ko naman kasing hindi ipaliwanag sa’yo.” “Meron pa bang nakakaalam nito maliban sa akin?” “Ngayon ko pa lang sinasabi sa’yo ito, pero ang nakakaalam ng totoong ako, ay si Lene. Siya kasi ang kaibigan na pinagkakatiwalaan ko ngayon. Saka may mga sikreto rin siya na alam ko o kaya kami lang ang nakakaalam wala ng iba.” “Hindi alam ng dalawa mong kaibigan na sina Nia at Xia?” “Hindi ko pa sinasabi s

