Chapter 7

1571 Words
Humigop ako sa aking tasa habang komportableng nakaupo sa veranda. Natatamaan ng sinag ng araw ang aking balat ngunit hindi ako nag-abalang umalis sa aking puwesto. Madalang na lang kasi ako matamaan ng araw dahil abala minsan sa aking trabaho. Huminga ako nang malalim saka ipinikit ang aking mga mata. Napangiti ako nang makaramdam ng kapayapaan at katahimikan. Isang araw na mula noong nangyari ang pagtapon sa akin ng itlog. Medyo naiinis pa rin ako hanggang ngayon pero kailangan kong ipahinga ang aking utak sa pag-iisip. Muli akong humigop sa tasa. Medyo mahangin ngayon. Tamang tama sa magandang sikat ng araw. Magandang tanawin ng aking garden. Pinamigay ni Manang Betta ang ilang mga bulaklak na ipinadala sa akin ng secret admirer ko. Ang iba naman ay ginamit niya rito sa bahay pang dekorasiyon. At ang iba naman ay denonate niya sa simbahan. May silbi rin pala kahit papaano ang binibigay niya sa aking mga bulaklak. Nadagdagan ang mga bulaklak ko rito sa garden dahil tinanim ni Manang ang iba. Matagal ko na ring naramdaman ang pagpapahinga. Puro trabaho kasi ang aking inaatupag. Hindi ko na nga minsan namamalayan ang oras. Parang sobrang bilis ng araw kapag abalang abala ako sa pagtatrabaho. Hindi ako nakakaramdam ng lungkot. Napatingin ako sa aking cellphone nang mag-vibrate ito. Umilaw ang screen na aking ikinasulyap dito. Kinuha ko iyon. Nagtataka ang aking mukha na pinidot ang unknown message. "Are you okay?" basa ko. Kumunot ang aking noo. Nakatitig sa message habang inaalala ang numero. "Sino 'to? Bakit niya alam ang number ko?" Binura ko iyon saka pumunta sa aking social media. Kailangan ko na ulit yatang magbago ng sim mamaya. Kahit ano talagang gawin ko may mga fan pa rin na nakakakuha ng phone number ko. Like puwede ba nila akong bigyan ng kaunting privacy?! Lalong umapaw ang galit ko sa dibdib nang makita ang viral video ko. Kitang kita kung paano mabasag sa aking didbib ang itlog. Maingay ang video dahil sa mga nagsisigawang mga fan. Para akong kinawawa habang nakatingin sa aking dibdib. Kitang kita mula sa video ang naluluha kong mata. Umaalon na ang aking dibdib dahil sa sobrang galit ngunit nawala iyon nang kaunti nang makita ang positive comments mula sa fans ko. Maraming pinagtanggol ako. Marami na tuloy ang galit sa fans nina Jake at Ethyl. Lalo na ang mga fans ko. Ayaw nilang kinakawawa ang idol nila. Ngunit muling bumalik ang pagkainis ko nang mabasa ang mga bastos na comments. Kasalanan ko bang malaki ang dibdib ko?! At kasalanan ko bang doon pumatak ang itlog?! Minsan naiisip ko kung may mga utak ba talaga ang mga nagc-comment o naubos na dahil sa panonood ng porn. Kailan ba ito matatapos? Mukhang kailangan pa ng ibang tsismis para lamang matabunan ang kahihiyang nito. Inis kong binura ang lahat ng social media ko. Rest day ko ngayon kaya kailangang huwag akong ma-stress. Masasayang lamang ang aking panahon sa binigay ng manager ko na oras para makapagpahinga ang aking utak at katawan. Binaba ko ang aking cellphone. Hinawa ko ang aking buhok saka kinuha ang tasa at muling uminom. Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan muli ang nagsasayawang mga bulaklak. Muli na naman akong napalingon nang mag-vibrate na naman ang aking cellphone. Matagal ito kaya hindi message ang dumating. Kinuha ko ito saka tiningnan. Nagsalubong ang dalawa kong kilay habang nakatingim sa parehong numero. Ito rin ang nag-message sa akin kanina. Si Jake ba ito? Kapapalit ko lang kasi ng sim kahapon dahil baka istorbohin ni Jake ang aking rest day. Ayokong mangyari iyon, 'no. Nanggigigil kong pinatay ang tawag saka inis ang mukhang nilapag ang cellphone. Ito na naman naiinis na naman ang aking pakiramdam. Hindi gusto ni Jake si Ethyl. Akala ng marami na may namamagitan na sa kanilang dalawa sa likod ng camera. Sa sobrang sweet kasi nila sa harap ng mga tao ay para na talaga silang mag-asawa. Dumadami na rin ang nakakakilala sa kanilang love team pero patuloy pa rin si Jake sa panliligaw sa akin kahit tinataboy ko na siya. Napailing ako nang maalala ang sinabi niya sa akin noong sinabi ko na may ka-love team na siya. Puwede naman daw naming itago ang aming relasiyon sa media. Ano siya sinuswerte?! Pang-public 'tong mukha ko, 'no! Dapat pinagmamalaki ang ganda ko sa buong mundo! "Ano ba 'yan?! Bakit ba hindi ako tatantanan ni Jake!" inis kong pagkausap sa aking sarili nang muling mag-vibrate ang aking cellphone. Kinuha ko iyon habang sinusuklay ang sariling buhok gamit ang kamay. Nagdesisyon akong sagutin ang tawag niya. Itinapat ko ito sa aking tainga. Galit na nakatitig ako sa aking garden. "Can you please leave me alone for a while, Jake?! Rest day ko ngayon. Naintindihan mo ba ang salitang rest?! H*ck! Nagpapahinga iyon, Jake. Nagpapahinga! Kaya tantanan mo muna ang pagpipilit sa aking makipag-date sa'yo!" Mabilis ang bawat paghinga ko dahil sa sigaw at sunod-sunod kong sinabi. Lalo pa akong nainis nang walang makuhang salita mula sa kabilang linya. Pinaglalaruan ba ako ng isa 'to?! Tiningnan ko ang screen ng aking cellphone kung nasa linya pa ako at muli ko iyong tinapat sa aking tainga nang makitang nasa linya pa nga siya. "Busy ako buong linggo dahil rest day ko. Magiging busy din ako pagtapos ng rest day ko. At busy din ako buong buhay ko hanggang mamatay ako. Kaya wala akong oras sa iyo, Jake." Nagngingitngit ang aking ngipin nang marinig ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. Tanging iyon lang ang naririnig ko. Unting unting nawala ang pagkakunot ng aking noo. Nagtataka na ngayon. Hindi ba si Jake ang kausap ko ngayon? "Hello?" saad ko. Medyo nakakaramdam na ako ng kaba dahil sobrang tahimik ng kabilang linya. Ilang minuto akong hindi nagsalita. Pinapakinggan ang kaniyang paghinga. "Who are you? You're not Jake?" Ni isang letra wala akong nakuhang sagot mula rito. Tanging paghinga niya lang talaga ang naririnig ko. "Okay. Are you my stalker? If yes, leave me alone. Nagpapahinga ak—" Napatingin ako sa aking cellphone nang isang beses itong tumunog hudyat na pinatay niya ang linya. "Aba! Bastos 'to, ah! Ako pa ang pinagmukhang stalker niya! Kapal ng mukhang p*tayan ako ng phone. Famous ka ba?!" pagka-usap ko sa aking cellphone at padabog na nilapag ito. Inirapan ko ito saka humalukipkip. Pabagsak na sinandal ko ang likod. Inis na inis pa rin sa stalker na tumawag sa akin. Walang sinumang pinapatayan ako ng cellphone! Lahat ng tao gusto akong makausap at ang iba ay nagkandarapa pa para lamang makausap ako! Busangot ang aking mukha na tumayo. Kinuha ang tasa saka naglakad papasok sa loob. Kadalasan kapag may tumatawag sa akin na stalker ko, ako ang unang nagpapatay ng phone pero siya! Ang kapal talaga! Nilagay ko ang aking tasa sa lababo saka naupo sa aking lamesa. Gigil na gigil kong kinuha ang sim ng cellphone ko. Tumayo ako at malakas na tinapon ang sim sa basurahan. Bumalik ako sa pagkakaupo saka tumitig sa cellphone ko. Kailan ba ako magkakaroon ng peace of mind ng diretsong isang linggo? "Mabilis ka niyang tatanda, Maam Hope." Napanguso ako nang marinig ang boses ni Manang Betta. Kapapasok pa lamang nito sa kusina. Malaki ang kaniyang ngiti habang palapit sa kaniyang nilulutong ulam. "'Yong stalker ko kasi, Manang, e. Binabaan ako ng cellphone bigla-bigla!" sumbong ko. "Hindi man lang ako pinatapos magsalita. Nakakabastos lang!" Mahina siyang tumawa dahilan ng lalong pagnguso ko. "Ayaw mo no'n. Mabilis siyang kausap, tinigilan ka agad." Sinandal ko ang aking likod. Hindi na nagsalita. Hindi pa rin naalis ang inis sa stalker ko kanina. Kumuha si Manang ng mangkok saka sinalinan iyon ng ulam. Nilapag niya ito sa aking harapan. Muling lumapit upang kumuha ng kanina. Inamoy ko naman ang niluluto niya saka napangiti. Mabilis nawala ang inis ko. Sobrang bango ng niluto niya. Hindi ko alam kung anong tawag dito ngunit palagi niya itong niluluto para sa akin. Lumingon ako sa pinto ng kusina saka binaling ang mata kay Manang Betta na nilalapag na ang tubig ko. "Nasaan na po si Manong Ben, Manang? Hindi ba siya kakain?" "Nagkape lang siya kanina. Mamaya na raw siya kakain at inaayos pa ang aircon sa guest room." Tumango ako. Kumuha ng ulam at kanin. Sinalinan naman ni Manang Betta ang aking baso. "Maghapon ka lang ba rito sa bahay?" tanong niya. "Yes. But I'm thinking na pumunta mamaya sa salon para makapag-relax. Ang ganda ng umaga ko kanina tapos sinira ni Jake at no'ng stalker na 'yon." Sumubo ako. "Mabuti pa nga. Magbakasiyon ka kaya minsan?" Napaisip ako sa kaniyang sinabi. "Noong isang taon pa yata ang last vacation mo. Ang iba namang pinupuntahan mong beaches nitong nakaraang buwan ay trabaho pa rin. Siyempre iba pa rin kapag walang trabahong kasama kapag nagbabakasyon." Tumango-tango ako habang ngumunguya. "You're right, manang. Mabuti pa ngang magbakasyon ako. Pero...saan naman ako magbabakasiyon? Sa Paris? Korea? Maldives? Or Japan?" Napangiwi ako sa huli kong sinabi. "Ano ka bang bata ka?! Ang lalayo naman ng lahat ng sinabi mo. Hindi mo naman kailangang magpakalayo para makapag-relax. Maraming beaches na magaganda rito sa Pilipinas." "Mags-search na lang ako, Manang." "Hay naku! Salamat naman at napapayag kita." Napangiti ako at mahinang bumungisngis sa kaniyang sinabi. Matagal niya na akong inaalok na magbakasiyon ngunit lagi kong tinatanggihan si Manang dahil sa trabaho ko. Kahit hindi ko siya kadugo, lubos pa rin talaga ang pinapakita niya sa aking pag-alala at pag-aalaga kaya tinuturing ko silang pangalawang magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD