"I'll come with you. Hindi ako mags-stay dito kung wala ka." Napakurap-kurap ako. Hindi makaimik sa sobrang gulat sa sinabi sa akin ni Rivas. Nakatitig siya sa akin, pinapanood ang aking reaksyon. Unti-unting pina-process ng aking utak ang kaniyang sinabi. Sasama siya sa akin? At mananatili rin siya rito kapag hindi ako umalis?! Bakit?! Humigpit ang kapit ko sa aking white bathrobe. Sinabi niya ba talagang sasama siya sa akin?! O mali lang ang pagkakarinig ko?! "Hindi rin ako makikipaglandian sa mga babae so hindi ka rin puwedeng makipag-usap sa ibang lalaki. And I know that you can easily get their attention even without trying, Hope. No need to prove that to me," malamig ang tono niyang sabi. Seryoso ang kaniyang mukha ngunit may galit pa ring makikita sa kumikinang niyang mga mata.

