"First time mo ba rito?" tanong ko habang kinakampay ang dalawang kamay sa ilalim ng tubig. Medyo may kalaliman kung saan kami ngayon. Kitang kita mula rito ang buong resort. Sobrang ganda rin ang tanawin nito, idagdag pa ang mga nagtataasang puno. "Yes." Busangot ang aking mukhang lumingon sa kan'ya. Ginagawa ko ang best ko para magkaroon naman kami ng usapan kahit papaano pero ang ikli-ikli naman ng kaniyang sagot sa akin. "Bakit dito mo napiling magbakasiyon? O nagbabakasiyon ka ba rito? Chef ka ba?" sunod-sunod na tanong ko para marami rin siyang sagot sa akin at para naman humaba ang aming conversation. Kanina pa sa akin nakatitig si Rivas. Ako naman ay inabala ang sariling lumangoy at panoorin ang magandang tanawin kanina. Hindi niya yata na appreciate kung anong mayroon sa p

