Kanina ko pa hindi maalis sa aking labi ang ngiti. Hawak ni Rivas ang kamay ko habang ang isa nitong kamay ay hawak ang manibela. Halos mga puno lamang ang aming nadadaanan ngayon. Mahamog ang aming dinaraanang kalsada. Kakaunti lamang ang nakakasalubong naming mga sasakyan. Iilan rin ang mga lalaking nakikita ko na naglalakad sa gilid ng daan habang may bitbit na sako ng mga mangga. Ang iba ay hawak ang lubid ng kabayo, ito ang nagbubuhat ng kanilang mga na ani. “Ang tagal ko nang hindi nakakakita ng ganitong kataas na puno,” habang nakatingala sa mga ito. Nadadala ng hangin ang bawat dahon nila. Marami ring makikitang ibon sa himpapawid. Malayong malayo sa lungsod ang lugar na ito. “I’m glad that you like it.” Napatingin ako kay Rivas. Dinala niya ang kamay ko sa kan'yang labi saka

