Oras Pilit kong kinalma ang sarili ko matapos umalis ni Stephanie. Hindi ako makapaniwala, ganoon ba ako? Talaga bang itinulak ko lang palayo sa akin si Miguel? Sobrang daming tanong na pumapasok sa isip ko na hindi ko alam ang sagot, sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Kailangan kong makausap si Miguel para malaman lahat ng kasagutan sa mga bagay na nalaman ko Sinubukan kong tawagan sya pero hindi nya sinasagot ang phone niya. Kaya napag desisyunan ko na pumunta nalang sa opisina niya. Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa kotse ko at di ko alam kung paano ako nakarating ng maayos sa opisina ni Miguel dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko. "Miss nanjan ba si Miguel? Can you please tell him that I need to talk to him, I'm Antonette by the way." Bati ko sa secretary nya "Ahm mam, Sir Calv

