Glad you're back Nakatayo lang si Calvin na para bang nakakita ng multo. Kung may nabago man sakanya, yun ay mas lumaki ang katawan niya kumpara sa huli kong kita sa kanya. Nagmumura ang mga muscles niyang bakat na bakat sa suot niyang t-shirt "Ay ano ba yan kuya!" Gulat na sambit ni Christine. "Manang pakilinis naman po yung nabasag ni kuya. Salamat po!" Naalis ang tingin ko kay Calvin nang bigla akong yakapin ni Christine. I really miss this girl "Nakakainis ka! Kailan ka pa dumating? Bat di mo manlang sinabi?!" Nagtatampong wika ni Christine "Hindi mo manlang ba papaupuin muna si Mary?" Sarkastikong tanong ni Kevin "Ay oo nga no! Sorry naman naexcite lang ako. Woah! I can't believe its been 5 years already since I last saw you, I must say hiyang ka sa New York. You look gorgeous!"

