"Abigail, your words irritated Manager Lee so much. His face even gets purple," excited na sabi ni Jane habang naglalakad sa likod ni Abigail. "Talaga?" Tumigil saglit si Abigail at tinaas ang kilay. "E 30% pa lang ng lakas ko 'yun." Natawa si Jane sa sinabi ni Abigail. Kahit anong sitwasyon, kalmado lang lagi si Abigail. Parang wala lang sa kanya kahit ano'ng chismis. "Hindi ko in-expect na ganun pala si Manager Lee, sobrang pabida," napapailing na sabi ni Jane. "Marami talagang ganyang klase ng tao sa mundo," sagot ni Abigail habang nakangiti. "Ang bilis niyang gumawa ng chismis. Naku, balang araw karma ang aabutin niyan," sabay tawa ulit ni Jane. Ngumiti lang si Abigail at tumahimik na. Bumalik si Jane sa trabaho. Akala nila tapos na ang issue. Pero hindi nila alam, nalaman na

