Chapter Five

1786 Words
"Robi, this is Darwin. He's the one who found your cup. Say thank you to him." "Thank you po." Nangunot ang noo ni Jeia. Hindi man lang hinarap ng anak niya ang lalaki para magpasalamat. Bagkus, tinalikuran pa niya ito habang yakap-yakap ang baunan at nilapitan ang principal. "No problem, kiddo," ani Darwin. "Hi, I'm Sage Mijares. Principal and owner of this school." Hindi na ito nagpaalam para magpakilala. Halata naman sa mukha nito ang disgusto kaya siya na ang nagpakilala sa sarili. "O-oh. Darwin, Sir." Wala na sanang balak pasakitan ni Sage ang lalaki ngunit na-offend siya sa tinawag nito sa kanya kaya napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Darwin. The latter's face scrunched in pain and quickly let go of his hand. Namumula ang kamay nito subalit may gana pa itong makipag-usap kay Jeia. "I have to go now, Jeia. Nice to meet you and I'm actually looking forward to seeing you here more often." Bumaba ang tingin ni Sage kay Robi na hinihila ang ang slacks niya. Binulungan siya nito at ngumiti. "Ah sige. Baka hinihintay ka na ng parents ng inaanak mo. Ingat kayo sa daan! Salamat ulit." Kinawayan ng dalaga ang dayuhan bago hinarap si Robi. "Where's Mr. Alcazaren?" tanong niya nang mapansin na wala na ito. "Gone. Who's he?" walang mababasang emosyon sa mukha ng bata. "No one. Nakilala ko lang siya kanina because of the little girl. Why are you with Mr. Mijres, by the way?" batid niyang iniiwasan ng anak niya ang tanong tungkol sa lalaki ngunit hindi niya ito tatantanan. Sa pagtabingi nito ng ulo, alam na kaagad ni Jeia na may kung ano na naman sa dalawa. "He saw me around the bushes. Said he want to help us so I brought him here. I didn't as him, I swear!" malakas ang pagkakasabi nito at mababanaag ang pagiging totoo. Napabuga si Jeia ng hangin. Akala niya hiningan ni Robi ng tulong ang antipatikong 'yon. "Okay. I believe you. Let's go?" Inayos niya muna ang silid-aralan bago nagpaalam sa mga co-teachers niya. Robi was smiling the whole time and he's even clutching his AMG everywhere he goes. Kahit nakaupo ay hawak-hawak niya ito. Minaneho niya ang sasakyan pauwi sa bahay ngunit nang nasa tarangkahan na sila ay biglang tumaas ang presyon ng dugo niya. Ang lalaking kinasusuklaman niya ay nakayuko sa gilid at nakasuot ng itim na sumbrero. Punit punit ang pantalon at may jacket na itim din. His shoes looks old too. Nag-angat lang ito ng ulo nang marinig ang sasakyan na paparating. Tumuwid ito ng tayo at inayos ang sumbrero. "Wait for me here," malamig niyang utos nang ibaba niya ang bintana. Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso at kita ang kaba sa mga mata at kilos nito. "S–sige." Sabay silang bumaba ni Robi sa sasakyan. "Who was that?" kuryoso nitong tanong. "An old friend of Grandma. Go straight to your room and don't come out until I say so. That man is not really...friendly." Nag-alinlangan pa siya sa sinabi dahil baka tanungin ng bata ang mama niya pero mas maganda na iyon para may alam ito. Uunti-untiin na lang niya. "Alright, Mom." Pinanood niya ang anak nang pumasok itong bahay. She can tell that her mother's not yet home dahil hindi bukas ang ilaw. Makulimlim na ang langit sa hapong iyon. "Bakit ka nandito? Hindi ba nakapag-usap na tayo? Ayaw na kitang makita," sikmat niya. "Jeia anak–" " 'Wag na wag mo akong tatawaging anak! WALA AKONG TATAY NA KATULAD MO! HINDI KITA KILALA AT MAS LALONG HINDI MO AKO ANAK!" Kita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata niya subalit wala ng pakialam si Jeia. She cannot accept him calling her his daughter after everything. Napigtas na ang pagtitimpi niya. "S– Sorry Jeia. Patawarin m– mo ako. Sobra akong nagsisi sa ginawa ko sa'yo at sa nanay mo. Hindi ko sinasadya, niloko din nila ako. Please p– parang awa mo na, patawarin mo na ako. H– Hayaan mo akong bumawi sa inyo–" umiyak ito. She scoffed. Hindi sinasadya? How come? Nakita niya mismo na may inabot ang boss nila sa kanya. Jeia was there, ang simula ng bangungot niya. Hanggang ngayon ay dala dala-dala niya ang masalimuot na nakaraan na nag-iwan ng malaking sugat sa kanyang pagkatao. "Nagsisisi ka nga ba talaga? Sa aking pagkakatanda, tinaggap mo ang pera na binigay sa'yo hindi ba?! PUNY*TA BINENTA MO AKO! SARILI MONG ANAK PINAGBILI MO! HAH!" Pinigilan niya ang sariling mapahikbi. Her tears are flowing non-stop but she didn't care. Ipinangako niya noon na hinding-hindi na ulit siya iiyak ngunit hindi niya mapigilan. Talking to this man is like opening her fresh wound over again. Sobrang sakit. Lumakas lalo ang pag-iyak ng matanda. Umaalog ang balikat nito at parang kawawang nagmamakawa. "P–patawarin mo ako anak. Sana b–balang araw mahanap mo ang k–kapatawaran diyan sa puso mo. S–sana kahit bago man lang ako m–mawala sa m–mundo, mapatawad mo na ako. Miss na miss ko na kayo ng n–nanay mo... pati ang a–apo ko, gusto ko na rin s–siyang makilala," humihikbing aniya. Sobrang sumisikip na ang dibdib ni Jeia. Masakit ang itaboy ang magulang pero mas masakit kung sila mismo ang dahilan ng pagkawasak mo na hinding-hindi na maibabalik. Hindi niya pa kayang magpatawad. Tumalikod siya at pinunasan ang mga luha. Her throat hurts but she gathered her sh*t before turning to face him again. "Umalis ka na." "J–Jeia huwag namang–” "Sabi ko umalis ka na! Kung ayaw mong tumawag ako ng pulis, umalis ka na! At 'wag na 'wag ka nang magpapakita sa amin!" Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang paghagulhol nito ng iyak. Mabagal itong tumalikod at naglakad paalis. Nakatungo ang matanda at lugong lugo. Nang hindi na matanaw ni Jeia ang ama ay napaupo siya sa tarangkahan at umiyak. "AAAHH! WHY?! WHY IS THIS HAPPENING TO ME?! WHY ME?! ANO BA'NG MASAMANG NAGAWA KO SA MUNDO?! HA?!" Sinabayan ng langit ang pagdadalamhati niya dahil mas lumakas ang buhos ng ulan. Iniyak niya ang sakit, lungkot at galit sa lahat. Galit na hindi humuhupa. Tanging ang anak niya lang ang nagpapalakas sa kanya para ipagpatuloy ang buhay. Mahal na mahal niya ito kahit kasuklam-suklam ang paraan ng pagdadalang-tao niya ay nagawa niyaa itong tanggapin ng buong-buo. Inalagaan niya ang sarili at pilit iniiwasan ang pag-iisip ng nakasasama sa kalagayan niya. Hinang-hina na siya habang nakaupo at naliligo sa ulan. Wala na ding luha sa mga mata niya. Hindi siya makapag-isip ng tama. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya kahit wala namng ginawa. She stayed like that for a few minutes and she didn't notice a car stopped near her. Isang lalaki ang lumabas sa nasa driver side at doon lang siya natauhan. "Damn it! Jeia!" Sage ran towards her, not minding his suit getting drenched with the heavy rain. "f**k! Come on, let's go!" Sinubukan niya itong tulungan para makatayo ngunit iwinaksi lang nito ang kamay niya at pinilit tumayo mag-isa. "Umalis ka na. You're not needed here," malamig nitong sabi at pumihit paalis. "Jeia! Stop it! Let me help you up." Sinubukan niyang hawakan ang braso nito para matulungan niya ito kung sakaling matumba subalit tinulak lang siya ng babae. Dahil na rin siguro sa lamig at panghihina, hindi malakas ang pagkakatulak nito. "ANO BA! SINABI NANG UMALIS KA NA! HINDI KITA KAILANGAN! BAKIT BA LAGI KITANG NAKIKITA?! HA?! LEAVE ME THE F*CK ALONE!" She looks so weak and dripping wet but her voice was still so loud. Sage felt a dagger stab his chest hearing her words but instead of doing what she said, he grabbed her arms spinning her around then carried her, belly on his shoulders. "I'm trying be a nice guy here, damn it!" Suminghap si Jeia sa ginawa ng lalaki at pinagpapalo ang likod nito. Sa pagkadismaya niya, hindi man lang ito natinag at tuluy-tuloy lang ang lakad nito papasok sa bahay nila. "ANO BA?! IBABA MO NGA AKO! SAGE!" "Pwede ba babae?! Manahimik ka na lang kung ayaw mong may ibang taong makakita sa b*a mo! It's okay if I'm the only man here but f*ck! You're in the damn roadside and anyone can drive past you, shirt sticking to your body and so f*cking sexy!" mauulinigan ang frustrasyon at kaaibang tono sa boses nito. He was torn between passion and being a gentleman. "What?!" "Tss. Just shut up." Biglang na-conscious si Jeia sa itsura at umurong ang mga luhang kanina pa walang tigil. Nabawasan na rin ang bigat ng loob niya pagkatapos umiyak ng umiyak sa gilid ng kalsada. Naalarma lang siya nang kumatok ang binata sa pintuan nila habang nasa ganoong sitwasyon pa rin siya. "Sage–sh*t! Let me go!" Mumurahin pa sana ng babae ang binata nang biglang bumukas ang pinto at tumambad ang anak niyang nanlalaki ang mga nang makita kung sino ang bumuhat sa kanya. "M–mom?! What happened?! Why are you with–" "Questions later, kid. Your Mom needs to take a bath. Nabaliw at kung anu-ano na ang pinaggagawa." "Huh?" "Hah! At sino ka para pagsabihan ako ng dapat kong gawin?!" Napakurap-kurap si Robi at tumabi para papasukin ang dalawa. Tuliro siya sa itsura ng Mommy niya, basa silnag dalawa at bakit niya kasama ang principal nila. He always saw them fighting and his Mom saying foul words towards the latter. "Ano ba?! Ibaba mo na nga ako at pwede ba?! Umalis ka na at 'wag ka na magpakita sa'kin! Sa'min!" Dahan-dahan niyang binaba ang babaeng galit. "Tsk tsk. Is this how you repay me? Tinulungan kita–" "Tinulungan? Bakit? Sinabi ko bang tulungan mo ako?!" " What?!" Sage cannot believe it! This woman is squeezing the life out of him! Siya na nga itong nagmagandang-loob na tulungan ang babae tapos siya pa ang mali?! What the f*ck! "M–mom, Sir Sage, what happened to you po?" Muntik nang mapatalon ang ina sa biglaang pagsulpot ng anak. "R–Robi! A–ano... Mr. Mijares is just passing by and he s–saw me outside. A–aalis na rin siya, anak. 'Di ba? Sabi mo may p–pupuntahan ka pa?" Binalingan niya ang lalaking nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Base on his expression, Jeia feared about what he is thinking and what he's going to say next. "What?! That's it?! Aren't you going to offer me coffee, atleast?" Napatampal sa noo si Jeia. Sinasabi ko na nga ba eh. Sage knew he's poking a dangerous territory but he's determined.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD