YVE UMBRIE Pinagbuksan ako ni manong ng pintuan para bumaba. Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng pamilyar na babae. "Yumi?!" tili niya sa aking pangalan. Bakas ang tuwa sa kanyang mukha dahil abot tainga ang ngiti nito. Sinuklian ko rin ng ngiti ang bungad niya "Ako nga po, Nany Fe" Lumapit siya saakin sabay gawad sa kanyang mahigpit na yakap. "Ikaw pala ang ipinasundo ni Cholo? Pa---papaano?" "Mahabang kuwento po Nanny, eh." "Halika sa loob, pasok, pasok. Nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita ng meryenda." Hinawakan niya ako papasok sa malaking bahay. Pagkarating namin sa sala ay inilapag ko ang aking bag sa pang-isahang upuan. Naririnig ko pa ang mahihinang tunog ng takong ng heels ko sa aking bawat paghakbang. Naka coat pa ako at pencil skirt na hanggang hita sa ibaba. Pormahang sa

