YVE UMBRIE
Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng airport. Hila ko ang aking luggage sa kaliwang kamay habang nasa kanan naman ang aking phone. Makalipas ang siyam na buwan, ang daming magagandang nangyari sa buhay ko. Maliban sa naka move on na yung puso ko, na promote din kaming dalawa ni Sam bilang branch manager. Ako na ang manager sa branch na pinapasukan namin ni Sam noon, habang siya naman ang nalipat. Nalipat man siya but within the city lang naman kaya nagkikita parin kami.
Welcome to Visayas self! Nandidito ako para sa isang seminar kasama ang supervisor ko sa Premier Deco company na si Mrs. Gravlor. Hindi kami magkasama ngayon dahil bukas pa ng umaga ang dating niya.
Itinaas ko ang aking sunglasses. Yohooo! Ang ganda ng panahon. Walang pagsidlan ang aking excitement dahil magiging semi vacation ko ang linggong ito.Dalawang araw lang ang seminar namin at nakatakda na ang limang araw kong stay sa The Palazzo Resort.
The Palazzo Resort, here I come!
The Palazzo Resort provides a sense of privacy and seclusion for the ultimate barefoot luxury experience. Hindi ko mapigilang humanga sa lugar habang sinusundan ko ang concierge para ihatid ako saaking magiging silid. Sa labas palang ng resort makikita mo na ang magagarbong katangian nito.
The sprawling area of the resort is surrounded by a lush tropical landscape and vast deep blue ocean, paired perfectly with world-class service.
Alas-sais na ng gabi nang akoy magising. Idlip lang naman yung plano ko pero nakatulog ako ng tatlong oras. Nang sumilip ako sa likod ng kurtina mula sa exclusive suite, ay madalim na sa labas. Tanaw ko pa ang tahimik na swimming pool mula sa itaas.
Bahagya kong inayos ang king buhok, napagpasyahan kong magpahangin muna sa labas. Sayang naman ang view ng resort na ito kung mag mumokmok lang naman ako sa kuwarto.
DING!
Masigla akong lumabas ng elevator at dumiretso na sa sa swimming pool kung saan plano kong tumambay at magpahangin.
A wide smile formed into my lips nang walang ni isang tao sa paligid ng pool. Sakto! Ito ang gusto ko!
Pagkahiga ko sa sunlounger ay nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Ahhh. I love the atmospere! Tahimik, malamig, nariring ko pa ang huni ng mga maliliit na insekto sa paligid at ang pinaka nagustuhan ko sa lahat ay naririnig ko rin ang hampas ng alon.
What a perfect relaxing night! Napapikit ako habang dinadama ang haplos ng malamig na hangin saaking balat.
Makalipas ang ilang sandali, na gimbal ako saaking pag re-relax nang makarinig ako ng halakhak. May kung anong nag-uudyok pa saakin na lingonin kung sino ang tumatawa, pero kahit na gano'n ay hindi ko nilingon. Ang sarap na kaya ng pagkakahiga ko dito.
Hindi nagtagal, nalukot ang akin noo habang unti unti ko ng naririnig sa malapitan ng boses.
Pamilyar.
Bakit pamilyar saakin ang boses na'yon? Kunsabagay, maraming nagkakahawig na boses sa mundo.
"Okay, see you"
Tuluyan na akong napabalikwas nang nasa likuran ko na ang nagmamay-ari ng boses. Niyugyog ng kuryosidad ang aking sistema kaya nilingon ko kung sino iyon.
Sa pagkagulantang ay napausug ako paatras saaking kinauupuan. Erick! Agad akong tumalikod at tumayo.
Of all people!
Hindi na pinagtagpong muli ang landas namin ni Erick matapos ko siyang nakita sa Fermount hotel, siyam na buwan ang nakalipas.
Matagal na ring bumabagabang sa akin ang mga katanungang, paano kung nagkaharap kami? Ano ang gagawin ko? Sampalin siya? Buntunan agad siya ng galit? Itatanong ko ba kung bakit hindi niya ako nagawang kontakin ng ganoon ka tagal?
Sa dami ng katanungan na nabuo saakin isipan, hindi ko alam kung saan magsisimula. Wala pamang sagot ang mga iyon, isa lang ang sigurado ako, ang katotohanang wala na siyang puwang sa puso ko. Hindi ito ang tamang panahon para makaharap siya. Alam kong dadating 'yon pero hindi muna sa ngayon.
Dumagundong ang dibdib ko sa kaba nang maramdaman kong may humahakbang papalapit saakin.
Gagi! Nakita kaya niya ako? Tumakbo kaya ako?!
Dumako ang mga mata ko sa swimming pool na nasa aking harapan. Walang pa ligoyligoy kong hinubad ang aking flat sandals at nag dive doon.
I hold my breath as long as I can. Siguro naman kapag umahon na ako lumayas na si Erick.
Oh! A--ano to?! May brasong yumayakap mula sa likuran ko. Pilit kong kinakalas ang pagkakayapos, pero nanaig ang kanyang lakas na humihila saakin pataas.
Nagpaubaya ako at umahon pataas.
Nakapikit ang aking mata habang hinahabol ang aking paghinga.
Tila nawalan ng oras ang mundo ko, habang nakatitig sa mga mata mo.
Nangyari iyon sa ilalim ng mga tala kung saan sila ang ating madla.
Nakayapos ang braso mo saaking baywang, habang ang lalamunan koy natitigang.
Hindi ko mapigilang mapalunok, mga mata mo'y pagkatulos sa'akin ang alok.
"Cholo?" I uttred his name in one breath. Nakayakap ang mga braso ko sa leeg niya habang nakayapos naman ang braso niya saakin.
"Yumi?"
I heared he whispered my name.
"Is she okay?!"
Boses iyon ni Erick. Nakaharap si Cholo sa gawi niya habang ko naman ay nakatalikod.
I bit my lower lip. Naman! Hindi pa ba lumalayas ang lalaking 'yan.
Sinenyasan ko si Cholo na huwag na siyang pansinin pero parang hindi niya gets.
"Yes, she's fine," sagot niya kay Erick.
Kitams, hindi nga niya na gets ang pagngigiwi ng mukha ko.
"Is she someone you know?" muling tanong ni Erick.
Nagkatitigan kaming muli ni Cholo. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isipan niya.
"Wag mong hayaang makita niya ang mukha ko, please." bulong ko na nagtutunog paghingi ng tulong.
"He seemed to want to come closer," sagot niya.
"Oh, what should I do?" taranta ko.
Parang kidlat na hinawakan niya ang aking batok, pagkatapos ay isiniil ang kanyang halik!
Nanatiling nakaawang ng aking bibig.Yung puso ko! Palakas ng palakas at pabilis ng pabilis ang t***k. Kahit yung mga braso ko na nakapatong sa balikat niya ay parang naparalisa. Hindi ko maigalaw habang pinakikiramdaman ang susunod na kilos niya.
Makalipas ang ilang sigundo, dumistansya si Cholo,nakatuon ang mga mata niya sa likod ko.
"Yes. I'm having a moment with my girlfriend," muling sagot niya kay Erick.
"Umalis na siya."
Lumingon ako ng dahan dahan saaking likuran, wala na si Erick.
"Thank goodness," nasabi ko nang makumpermang wala na nga ang lalaki.
Lumangoy ako patungo sa gilid ng swimming pool at umupo sa malapad at simentong hagdanan.Piniga ko ang aking buhok upang mabawasan ang tumutulong tubig.
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko kay Cholo nang makaupo siya sa tabi ko.
"Ang alin?"
"Bakit mo ako sapilitang iniahon sa pool?"
"Akala ko yung halik."
"Isa pa'yon!"
Kinamot niya ang kanyang ilong bago sumagot. "Una, iniahon kita dahil akala ko nalulunod ka. Ang tagal mo kasi sa ilalim. Pangalawa, ginawa ko 'yon para itaboy yung lalaki. Papalapit na siya, which I believe na hindi mo magugustuhan.See? Effective, matapos kitang halikan umalis kaagad siya."
Tamataman ko siyang tinitigan habang nagpapaliwanag.
"Why are you hiding from him?"
Pinagana ko kaagad ang utak ko sa direktang tanong ni Cholo. Of course, hindi ko sasabihin ang totoo.
"Nautangan ko, wala pa kasi akong pambayad kaya pinagtataguan ko muna siya."
Hindi naman siguro masama kung magsisinungaling ako sa kanya kahit tinulungan niya akong makalusot kanina. Hindi nga ba?.
"Ang malas mo naman, hanggang dito naabutan ka ng pinagkakautangan mo."
"It's pure coincedence. Hindi ako nandidito para magtago, I'm here para mag seminar bukas."
"Ah, work."
Tumango ako. "Ikaw?"
"To relax."
Tumango lang rin ako. Sana all, just to relax. Iba talaga kapag may pera. Yung katulad kong sakto lang ang sahod, hindi magkakapag relax sa ganito ka garang lugar kung hindi libre ng kumpanya.
Habang pinipiga ko ang aking buhok, napaiktad ko sa gulat nang nag dive si Cholo sa ilalim ng swimming pool. Problema no'n?!
Maya maya pa ay tumayo ako sa haghanan para tuluyan ng umahon, pero pinigilan ako ng imahe ni Cholo na nakalubog pa tubig.
"Hoy, umahon ka na diyan."
Humaba ang nguso ko nang hindi siya umaahon. Anong drama nito? Ba't ayaw umahon?
"Hindi ako nagbibiro, umahon ka na diyan."
Sandali ako natigilan nang dumaan ang isang babae sa swimming pool at huminto sa tapat ng sunlounger kung saan ako naka upo kanina. Nagpa lingon lingon ito pero hindi dumako ang tingin niya sa gawi ko.
"Plano mo bang magpakalunod? Hah?"
Napakagat labi ako nang hindi pa umaahon si Cholo. Gagi! Anong gustong patunayan ng lalaking 'to? Na may lahi siyang isda?!
"Bahala ka diyan."
Humakbang ako paahon sa pool. Nang tuluyan na akong naka tuntong sa dulo ng simentong daghanan ay napalingon akong muli sa pool.
Gagi!
Kainis!!!
Kainiiiiiis!!!
Tumalon ako.Nag dive kung saan si Cholo. Kung kanina ay ako ang hila hila niya, ngayon naman ay ginawa ko iyon sa kanya.
Habol ko ang aking hininga nang makaahon. Napa ubo pa ako dahil hindi siya kaagad nangpahila saakin.
"Ra' ulo!" bulyaw ko sa kanya. "Anong gusto mong patunayan? Na may lahi kang isda?!"
Imbis na sumagot ay niyakap niya ako kaya napahawak ako sa magkabilang balikat niya.
"Yumi... Yumi.... "
Matiim niya akong tinitigan habang binibigkas ang aking pangalan.
"Yung babae..nandiyan pa ba siya?"
Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. Walang ibang tao sa palibot namin kung hindi yung babaing nakatayo malapit sa sunlounger.
"So, hindi ka nagpunta dito sa Palazzo para magrelax, tama?"
May sumisilip pang ngisi saaking mga labi. Aba, lakas maka sagot ng relax, may pinagtataguan din pala!
"Fine, I'm hiding from her," pag-aamin niya.
"From your girlfriend?"
"Ex- girlfriend. Just to emphasize.Yumi, isang tanong isang sagot. Nandiya pa ba siya?"
Pilya ko siyang tinanguan, ang totooy wala na. "She's behind you."
"s**t! Damn it! Georgina is crazy."
"Why are you hiding from her?"
"Dahil para siyang anino na sinusundan ako saan man ako magpunta. She knew I was here even though I didn't tell anyone that I was here. Her radar is really one of a kind."
"Oh, I guess kailangan mo na lumipat ng lugar na matataguan. The Palazzo isn't safe for you anymore."
"I guess you're right. Maging ikaw ay hindi na rin safe dito. Nandidito yung lalaking pinagkakautangan mo."
"I have work to finish, hindi ako basta basta makakaalis."
"That's awful."
"Indeed. Wala na yung ex-girlfriend mo, umalis na, you're safe now."
------- --------- ----------
"Good morning! How's your first night at the Palazzo, my friend?!"
Bati ni Sam saakin kinabukasan nang sagutin ko ang kanyang video call.
"Good morning, girl. My first night wasn't so good. Nagustuhan ko yung hapunan, pero yung nangyari bago maghapunan ang hindi."
"Ttsss.Basta pagkain ang pinag-uusapan masarap sa'yo lahat. Ano ba ang nangyaring hindi maganda?"
"Hindi magandang makita dito si Erick."
"WHAT?!"
"You heard it right, nandidito siya, malas diba?"
"Nagkita kayo?"
"Nakita ko siya, pero nakapagtago ako. It was not the right timing for a reunion."
"Mabuti naman at nakapagtago ka."
"Walang mabuti.Walang mabuti sa pagtalon ko ng wala sa oras sa swimming pool."
Humalakhak si Sam sa nalaman.
"May sumagip pa sa'kin sa pool, akala nalulunod ako!"
Mas humagalpak pa si Sam sa tawa.
"Alam mo kung sino?"dagdag ko.
"Kilala ko?"
"Yung naka bundol saakin nine months ago."
"Si guwapo?!"
"Cholo ang pangalan niya girl, hindi guwapo."
"But that's a perfect word that describes him diba?"
Hindi ako nakasagot nang maalala ang dahilan kung bakit hindi kaagad ako nakatulog kagabi. Yung halik.
"Yve Umbrie, nakikinig ka pa ba?"
"Y---yah. May naalala lang ako."
"Si Cholo?"
"Baliw, mamaya na tayo mag chukchakan! Gagi, may seminar pa'ko! Ma-li-late na'ko!"