Dahil sumama si Azean sa kaibigan nitong si Alex ay heto ako ngayon sa condo ko. Mag-isa, malungkot at walang nang-aasar sa akin. Dapat hindi ako naging duwah kanina sa harapan ng dalaga eh. Pero ano naman ang sasabihin ko? That I'm jealous with her best friend? Eh kasasabi ko lang na hindi ako nagseselos kay Alex, tapos biglang bawi agad? Nalilito na rin kasi ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Sa ilang buwan na magkasama kami ng dalaga ay nawaglit na sa isipan ko si Bhie. Akala ko nga noon matatagalan akong makapag-move on sa kanya. Pero hindi ko pa rin naman tuluyang nakakalimutan si Bhie, I once loved her. But Azean is different. Minsan hindi ako pinapatulog ng diwa ko kapag naiisip ko ang dalaga. She irritates and annoys me sometimes, but for unknown reason, I like it when she annoys me. Para bang happy pill niya ang inisin ako, kaya okay lang sa akin ang ginagawa nitong pang-iinis. Ngunit napapansin ko rin na minsan ay iniiwasan niya ako. Naalala ko ang sinabi ng dalaga tungkol sa hinahanap nitong nagpapatibok sa puso nito at kapag nahanap nito ay ito na mismo ang mag-aayang magpakasal sa kung sinomang binata na ‘yon. Argh! I'm pissed and jealous sa tuwing sumasagi iyon sa isipan ko! Ni hindi niya ako kanina sinagot nang sabihin ko kung wala na ba akong pag-asa sa kanya o meron pa. Tsk. Torpe mo kasi! Sigaw ng isipan ko sa akin.
Nang gabing ‘yon ay nakatulog ako sa kalasingan.
Nang magmulat ako ng mga mata ay agad na nagtama ang paningin namin ng dalaga. Ang lapit-lapit ng mukha nito sa mukha ko. Hindi ito nagulat nang magising ako. Napatitig ako sa kanyang mapupulang labi. I felt my throat dry. She's beautiful. And I can't look away from her red lips. Para akong hinihila para mahalikan ang labi ng dalaga. Ngayon ko lang ito natitigan ng ganito kalapit at ngayon ko lang din napansin kung gaano kaganda ang hugis ng mukha nito, may katamtamang tangos ang kanyang ilong at ang kanyang mga mata ay para bang nangungusap. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Ngunit isang malakas na pagpitik sa aking noo ang nagpabalik sa diwa ko. Napakurap-kurap ako. Tiningnan ko ang dalaga. Nakita ko kung paano mamula ang mukha nito. Wow! Affected? Napangiti ako sa naisip.
“Tigilan mo ang kakatitig sa akin baka isipin kong may gusto ka nga sa akin kahit na nga malabong mangyari ‘yon.” Saad ng dalaga at umayos na ito ng tayo.
Hindi ako nagsalita at patuloy lang na tinitigan si Azean.
“Maglasing ka pa! Paalala lang ha, hindi mo ako personal maid na sa t‘wing nalalasing ka ay ako ang mag-aalaga sa ‘yo! Abusado ka masyado.” Patuloy na litanya nito. Tumayo ako at napansin kong wala akong saplot na pang-itaas at tanging boxer short lang ang suot ko. Lihim akong napangiti.
“Hinubaran mo ako?” pasimple kong tanong sa dalaga.
“Oo, at may angal ka? Pasalamat ka nga at inalagaan kita. Kung hindi lang malaki ang utang ko sa ‘yong pera, pinabayaan na sana kita! Gago ka!” singhal nito sa akin habang nakapamaywang.
“Baka utang na loob kamo.” Pagtatama ko rito. Matalim akong tiningnan ng dalaga.
“Utang na pera, hindi utang na loob. Hello! Inaalila mo ako no!” pahayag nito sa akin.
“Tsk. Parang ikaw nga ang boss sa ating dalawa eh. At saka ginusto mo naman ang maging P.A ko ah.” Ani ko pa. Inirapan niya lang ako.
“Maupo ka na at ipinagluto kita ng corn soup with chicken. Para mahimasmasan ‘yang kabaliwan mo sa katawan.” Si Azean. Dumulog na ako sa mesa at nagsimula ng kumain. Nang hindi maupo ang dalaga ay nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“O, bakit nakatunganga ka na lang d‘yan? Hindi mo ba ako sasabayan sa pagkain?” tanong ko rito. Umiling-iling ito sa akin.
“Naiirita kasi ako sa mukha mong pangit eh.” Napatanga ako sa sinabi nito. Ako pangit? Kelan pa? At ito lang ang nagsabi na pangit ako! Damn that woman. Binabawi ko na ang sinasabi ko na gusto ko kapag iniinis niya ako.
“Bilisan mo na d’yan at may pasok ka pa sa opisina mo!” malakas nitong untag sa aking iniisip.
“Ako ang boss! Don't boss me around!” nagsisimula na akong mairita sa dalaga.
“I don't care kung ikaw ang boss! The company is your responsibility! Kaya huwag mo akong takutin sa pagiging boss mo. Now, move!” awang ang labi at nakatulala lang akong nakatitig sa dalagang pumasok sa loob ng silid nito. Napailing na lang ako. Bakit ba nag-iiba-iba ang ugali nito? Minsan ang tahimik, para pa ngang pepe, minsan naman ang istrikto at minsan hindi ako pinapansin, mas parati niya pa akong iniinis. Tsk. Babae nga naman.
Nakasakay na kami sa sasakyan ko at ako ang nagmamaneho ng kotse ko. Nakabusangot ang mukha ko dahil nasa backseat nakaupo si Azean. Para tuloy akong driver niya! Kainis!
“Azean! Argh! I'm not your driver!” mariin kong pahayag dito.
“I don't care. Ayaw kong makita ang pangit mong mukha. It irritates me.” Sagot nito. Mas lalo tuloy akong nainis.
“I’m handsome! ‘Di ba nga gusto mo akong mahalikan ulit noon sa Purok Bukirin?” pang-iinis ko rito.
“Duh! Ang tagal na noon. Nag-expire na ang kagustuhan kong mahalikan ka ulit.” Nakaingos nitong pahayag. Dahil sa sobrang inis ay tumahimik na lang ako.
“Sir, ready na po ang conference meeting niyo.” Imporma ni Azean sa akin. Hindi ko ito kinikibo. Nakita kong may tinext ito sa cellphone nito.
“Sinong ka-text mo?” tanong ko rito.
“Alex.” Maikli nitong sagot. Tumiim ang bagang ko. Marahas akong tumayo.
“Don’t text him! May number ka naman sa akin, ‘di ba? Tayo na lang ang magpalitan ng text.” Bigla ko na lang saad sa dalaga. Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito.
“Are you accepting now that you got jealous with Alex?” nakita ko ang ngiting tinatago nito. Nabahag ang buntot ko sa tanong nito. Ayaw kong mapahiya sa dalaga. Damn! I'm scared to be rejected.
“I’m not!” tanggi ko. Nagkibit-balikat ito sa akin.
“Then I will always text Alex. Hangga‘t hindi mo inaamin na nagseselos ka kay Alex, ay hindi ako titigil kakatext sa kanya.” Seryoso nitong deklara. Wala akong nagawa kundi ang sundan ng tingin ang papalayong dalaga.
***
“Hmp! Gusto ko lang naman malaman kong nagseselos siya kay Alex o hindi. Pero dapat hindi na ako umasa. Hays. Ayan heart, dumudugo ka na naman dahil sa sakit na pinaramdam ni Hades sa ‘yo. Sabing lumayo ka na sa kanya eh, ayaw mo pa ring gawin. Sarap mo ring sabunutan self eh,” para akong baliw habang kinakausap ko ang sarili ko. Mahina akong napabuntonghininga. Dapat maging natural lang ang galaw ko sa paningin ng binata. Katulad ng dati, iinisin ko lang ito ng iinisin para mapagtakpan ko ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Mas mabuti na ‘yon. Kesa naman iwasan ko siya, baka mahalata niyang lumalalim na ang nararamdaman ko para rito. Mas safe ang magpanggap.
Ipinasa ko ang mga folder sa bawat board members para sa proposal ni Hades. May bago kasing ipapatayong bagong building. Nag-e-expand na ang business nito. Sabagay kahit noon pa ay napalago talaga nito ang kanilang negosyo. Habang nagsasalita ang binata ay napatitig lang ako rito. He's so handsome. Hindi naman talaga totoo ang sinabi kong pangit ito. Tsk. Para nga itong Greek god na bumaba sa lupa hindi ba?
Nang matapos ang meeting nila ay bumalik na kami sa office. Umupo na ako sa table ko sa loob ng office ni Hades. Doon ay itinutok ko ang aking attention sa mga panibagong reports na gagawin. Mas nadagdagan pa ang trabaho ko ngayon. Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko ‘yong sinagot nang makita kong si Alex ang tumatawag sa akin.
“Hmmm?” bungad ko sa binata.
“Want to lunch with me?” tanong kaagad nito. Tiningnan ko ang suot kong relos. Kinse minutos na lang para mag-tanghali. Gutom na rin ako.
“Sige. Nasa baba ka na ba?” tanong ko rito.
“Yup. I'm waiting for you.” Sagot ni Alex.
“Wait for me, pababa na ako.” Sabi ko sabay putol ng tawag. Mabilis kong pinatay ang computer ko at nag-retouch ng konti bago tumayo.
Papalabas na sana ako nang tumikhim ng malakas si Hades. Napalingon ako sa binata.
“Mag-la-lunch po muna ako, sir.” Paalam ko rito. Walang emosyon ang mukha nito. Isang beses itong tumango. Ilang segundo ko lang itong tinitigan bago ako lumabas ng opisina ng binata.
Masaya kaming kumakain ni Alex sa isang sikat na restaurant.
“Yayamanin ka na yata ah.” Biro ko rito. Mahinang natawa ang binata.
“Nakahanap ako ng sugar mommy eh.” Pabiro rin nitong ani.
“What? Baka naman may sabit na ‘yang pinatulan mo? Naku, Alex! Sinasabi ko sa ‘yo, huwag kang pumasok sa isang makasalanang relasyon.” Payo ko rito. Tumawa ng malakas si Alex.
“Anong tingin mo sa akin? Mabait? Sa trabahong meron tayo, masama na tayong matatawag at lalong makasalanan. Pero s‘yempre, ayaw kong makasira ng pamilya kaya safe ako sa sugar mommy ko.” Tatawa-tawang wika ni Alex sa akin. Inirapan ko lang ang binata.
Pagpasok ko sa opisina ay nakita ko si Hades na busy sa pagpirma ng mga papeles sa harapan nito. Kumain na kaya ito? Tumikhim ako at tiningnan ang binata.
“Kumain ka na ba?” nag-aalala kong tanong sa binata. Hindi ito nag-angat ng ulo.
“Not your business.” Malamig nitong pahayag. Kumunot ang noo ko.
“It’s my business. I'm your personal assistant.” Pangangatwiran ko. Huminto ito sa ginagawa nito at tiningnan ako. I was taken aback when I saw his eyes. I can see pain and anger in his eyes.
“Sana inisip mo ‘yan bago ka makipag-date sa iba.” Wika nito sa malamig na tono.
“Alam mo namang lunch time na bakit hindi ka man lang lumabas para kumain? O kaya ay nagpa-order ka na lang ng pagkain mo.”
“Wala akong gana.” Walang buhay nitong sagot sa akin.
“Hindi naman ‘yon rason eh.” May galit na sa boses ko. Napaigtad ako nang malakas nitong hampasin ang mesa nito. Dahil sa lakas ng impact ay natumba ang ilang gamit sa ibabaw ng mesa ng binata. Namumula ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Medyo natakot ako sa pagkakatitig nito sa akin.
“Sino ba ang gaganahang kumain kapag wala kang kasabay? ‘Tapos lumilipad pa ang utak ko papunta sa ‘yo! I'm jealous! Damn it! Did you hear me? I'm f*****g jealous!” sigaw nitong ani sa akin. Nagulat ako, hindi dahil sa lakas ng boses nito, kundi dahil sa sinabi ni Hades. What the hell?! Totoo ba ang sinasabi nito? Awang ang labi kong nakatingin sa binata.
“W-what did you say?” parang hindi makapaniwala kong tanong kay Hades. I'm still in shock!
“Didn't you hear me? I said I'm jealous!” sabi nito ulit. Napangiti ako sa sinabi nito. Hinila ko ang kanyang kamay at mabilis kaming lumabas ng opisina ng binata.
“Teka lang! Saan mo ako dadalhin?” tanong ni Hades sa akin.
“Papakainin kita. You're hungry right?” nakangiti kong pahayag dito. Tumango naman ang binata.
“Kanina pa nga ako gutom eh. Feeling ko mahihimatay na ako dahil sa sobrang gutom.” Inikot ko ang mga mata ko dahil halatang nagpapabebe lang si Hades.
“Sakay.” Utos ko rito. Ako na ang nagmaneho ng sasakyan nito. Dinala ko ito sa isang sikat na restaurant. Ito naman ang magbabayad eh.
Sabay kaming naupo na dalawa ni Hades. Tinawag ko ang waiter para makapag-order na.
“Hindi ba at nag-lunch ka na?” tanong ni Hades sa akin. Nginitian ko ito.
“Kahit busog na busog ako ay sasabayan pa rin kitang kumain.” Sabi ko rito habang nakangiti.
“Is it because, I said I'm jealous?” I can sense the tease on his voice. Napanguso ako.
“Yeah. Napaamin din kita sa wakas!” masaya kong pahayag sabay palakpak. Nakita ko ang paglapad ng ngiti ni Hades habang nakatitig sa akin.
“Hades anak? Siya na ba ang girlfriend mo?” nagulat ako sa tanong ng ginang na siyang ina pala ni Hades. Bigla akong na-insecure sa hitsura ko. Ang mama ni Hades ay maganda at para lang itong nasa thirties. Nakakahiya sa mala-forties kong hitsura.
Nahihiya akong tumingin sa ginang.
“Hello po ma'am. Ako po si Azean Sky Salazar, personal assistant ni Sir Hades. Hindi pa niya ako girlfriend, ‘di pa naman po ito nanliligaw sa akin eh, pero nagseselos na. Selos una bago ligaw raw po eh,” dahil sa kaba ay kung ano-ano na ang lumabas sa bibig ko. Mabilis kong tinakpan ang aking bibig. Damn! Nakakahiya! Nakita ko ang pagkamangha sa mukha ng ginang. My goodness! Bad shot na ba me? Huwag naman sana mother-in-law, please! Nakita ko naman ang pagngisi ni Hades. Pinandilatan ko ito ng mga mata. Ilang segundo lang ang lumipas ay mahinang natawa ang ginang.
“Know what. I like you. By the way, I'm Hayde Gonzales, Hades’ mother.” Pakilala ng ginang sabay abot ng kamay nito. Mabilis kong pinahid ang kamay ko sa aking suot na damit. Kinuha ko pa ang alcohol sa bag ko at naglagay sa kamay ko. Tinanggap ko kaagad ang kamay ng ginang.
“Ayan po, naglagay ako ng alcohol at baka mahawa po kayo sa bacteria ko. Pasensya na po kayo.” Mabilis kong ani sa ginang. Nanlaki ang mga mata ko nang hilahin niya ako at yakapin na para bang matagal na kaming magkakilala. Hindi kaagad ako nakaimik. Nang pakawalan niya ako ay para akong maiiyak.
“Mag-dinner tayo minsan sa bahay. Gusto pa kitang makilala. Sige na, enjoy niyo ‘yang date niyo,” paalam ng ginang.
“Hindi po ito date ma'-”
“Whatever. Stop calling me ma'am. Call me Tita. Okay?” nakangiti nitong pahayag. Napatango na lang ako rito. Walang lumabas sa bibig ko. Napepe na ba ako?
Nang mawala sa paningin ko ang ginang ay saka pa ako nakahinga ng maluwag.
“Grabe! Ang ganda ng mama mo! Para lang akong muchacha kapag nadikit sa kanya. My goodness!” sabi ko pa. Mahina lang na natawa si Hades sa akin.
“Mukhang nakahanap na si Mommy ng katapat niya ah. Isasama kita sa bahay, one of this days.” Napatitig lang ako kay Hades ng sabihin ‘yon. Ito na ang simula, dapat na akong maghanda.