Excited akong umuwi sa condo ng binata. Tama si Tatay, hangga‘t may oras at panahon pa ay ipapakita ko rito ang pagmamahal ko para sa kanya. Nakalimutan ko na nga ang pangako ko kay H na ito ang pakakasalan ko kapag nagkita na kaming dalawa. Nag-iba na ang ihip ng hangin at bigla na lang tumibok ang puso ko para kay Hades. Pangiti-ngiti ako habang pasakay ng elevator. Excited na talaga akong makita ang binata.
Pagpasok ko pa lang sa loob ng condo ay naamoy ko na ang mabangong aroma ng nilulutong ulam ni Hades.
Humakbang ako papalapit dito. Napatitig ako sa likuran ng binata. Grabe ang gwapo niya kahit nakasuot ng kulay dilaw na apron. Ang macho-macho pa ring tingnan. Matagal ko ng pinagnanasaan ang magandang hubog ng katawan ni Hades.
“Do you know, staring is rude?” napaigtad ako nang magsalita ang binata. Hindi nga ito lumingon sa deriksyon ko pero alam nitong tinitigan ko ito. Namula ang mukha ko. I cleared my throat.
“Ahm. . . You're so hot and sexy while cooking.” Walang hiya-hiya kong wika rito. Nakita kong natigilan ito. Mabilis na pinatay nito ang apoy at nilingon ako. Kitang-kita ko ang pilyo nitong ngisi na nakapaskil sa kanyang mapupulang labi. Bigla na lang nagrigodon ang aking puso. Nakagat ko rin ang pang-ibabang labi ko. Nang makalapit ito sa akin ay nag-angat ako ng tingin sa binata. Kitang-kita ko ang kakaibang kislap sa mga mata nito. I gulped countless of times. Masuyo nitong hinaplos ang aking pisngi at tinitigan ng mabuti sa aking mga mata. Para bang may hinahanap ito sa kaibuturan ko?
“Are you seducing me? Hmm?” he asked me using his husky and seductive voice. Para akong nalalasing sa bawat titig nito. Umiling ako.
“I. . . Ahm, hindi kita inaakit.” Wika ko rito. Nakita ko na naman ang pilyong ngiti nito. Bumaba ang isa nitong kamay sa aking baywang at marahan na hinaplos ang gilid ng aking labi. Nag-iinit ang katawan ko. Naghihintay ang labi ko sa labi ng binata. Gusto kong matikman ulit ang kanyang mapupulang labi. Namumungay na ang mga mata nito. Binibigyan nito ng atensyon ang gilid ng aking labi. Marahan ang bawat haplos nito.
“Hindi nga ba? Bakit. . . Naaakit ako sa simpleng papuri mo? May ginamit ka bang mahika para akitin ako?” papahina ang boses nitong tanong. Gusto kong ipikit ang aking mga mata para halikan ako ng binata.
“W-wala naman a-akong ginagamit na m-mahika,” nauutal kong sagot dito. Hindi na nito sinagot ang sinabi ko dahil mabilis nitong sinakop ang labi ko. Ipinulupot ko naman kaagad ang mga kamay ko sa kanyang leeg. God! I missed his kisses. Kahalikan ko lang ito kanina pero na-miss ko kaagad ang kanyang mga labi. Nakaka-addict din pala ang isang halik. Para akong nalalasing sa bawat hagod ng kanyang labi sa labi ko. Ibinuka ko ng mabuti ang aking bibig upang malayang magalugad ng binata ang loob ng aking bibig. Eksperto ang dila nito sa pagsamba sa loob ng bibig ko. Inilabas ko ang aking dila at nakipag-espadahan ng dila sa binata. Minsan ay sinisipsip nito ang dila ko dahilan ng aking mahinang pagdaing.
Narinig ko ang paghila ni Hades ng upuan at binuhat niya ako, ipinulupot ko naman kaagad ang mga binti ko sa baywang ni Hades. Naramdaman kong umupo si Hades sa upuan habang patuloy pa rin kaming naghahalikan na dalawa. Bumaba ang halik nito sa aking leeg. Napasinghap ako nang sipsipin niya ang kitang parte ng aking leeg.
“Hades!” saway ko rito. Sigurado akong magmamarka ang ginawa nito. He just chuckled. Napairap tuloy ako. Binigyan pa niya ako ng maliit na halik sa buong mukha ko. Nang ma-satisfied ito sa ginagawa nito sa mukha ko ay mahigpit niya akong niyakap. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa ginawa nito. Nabitin ako! Hinaplos-haplos nito ang aking buhok.
“I don't want to take advantage on you. I respect you. Gusto ko kung gawin man natin ang bagay na ‘yon ay kapag kasal na tayong dalawa.” Natigilan ako sa sinabi nito. Kasal? Kaming dalawa magpapakasal? Gusto ko sanang matawa ng pagak. Alam kong hinding-hindi iyon mangyayari. Bukod sa malayo ang agwat ng buhay naming dalawa, ay alam ko ring hindi niya ako matatanggap kapag nalaman nitong isa akong masamang tao, isang dalubhasang magnanakaw.
Ngunit kahit papaano ay sumaya ang puso ko nang sabihin nitong nirerespeto niya ako, na ayaw niyang kunin ang pinakaiingatan kong p********e hangga‘t hindi kami kasal. How sweet. Kahit ngayon lang, gusto kong magpakatotoo sa sarili ko. Kahit ngayon lang, gusto kong maging masaya sa piling ni Hades.
Kumalas ako sa pagkakayapos sa kanya.
“Yes, Hades. Pwede mo na akong ligawan. Pinapayagan na kitang ligawan ako.” Nakangiti kong pahayag dito. Nakita ko ang kislap sa mga mata nito. Kitang-kita ko ang saya. Napakasaya ko rin nang makita ko ang kasiyahan sa mukha nito.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami sa isa’t-isa at pumasok sa kanya-kanyang silid. Nakatulog ako nang may ngiti sa aking labi. I love Hades. I really fell for him.
Kinabukasan ay maaga pa rin akong nagising. Ngunit mas maagang nagising si Hades sa akin.
“Good morning! Aking bughaw!” bati ni Hades sa akin. Kumunot ang noo ko sa itinawag nito sa akin.
“Anong aking bughaw?” tanong ko rito.
“Because you're name is Sky, and the color of the sky is blue, the Filipino translation of blue is bughaw. That's why I called you bughaw, it's my endearment to you from now on.” Nakangiti nitong paliwanag sabay halik sa aking labi. Mahina naman akong natawa.
“Saan naman galing ang aking?” I teased him. He smirked at me.
“Because, you are mine.” Seryoso nitong saad. Bigla na namang nagrambulan ang aking dibdib sa simplng banat nito. And my stomach is flutter, parang may mga paru-parong nagliliparan sa loob niyon. Matamis ko itong nginitian.
“So, tatawagin na ba kitang, ang aking hari ng kailaliman?” tanong ko rito. Mabilis niya akong kinintalan ng mabilis na halik sa aking labi.
“Kahit anong itawag mo sa akin ay okay lang. Basta para sa akin, ikaw ang aking bughaw. Ang nagbibigay ng saya at buhay sa pagkatao ko. Always remember that. Okay?” tumango lang ako sa binata.
Busy ako sa pagtitipa sa aking computer. Ang dami ko pang tatapusing trabaho. Maraming reports ang dapat na matapos. Friday na ngayon at bukas ay ang family occasion ng pamilyang Gonzales. I'm a little bit nervous. Pero alam ko namang hindi ako pababayaan ng binata. Nang sulyapan ko ito ay nagulat ako dahil nakatitig din ito sa akin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Well, I'm not seducing him ah. Nakasanayan ko na lang yata na kagatin ang lower lip ko kapag nagtatama ang paningin naming dalawa. Akmang tatayo si Hades nang biglang bumukas ang pinto ng office nito at iniluwa n‘on si Tita Hayde.
“Hi my baby Hades!” bati ni Tita Hayde sa anak. Kumunot ang noo ni Hades pagkakita sa ina nito.
“What are you doing here, Mom?” si Hades.
“I’m sorry bab-”
“Stop calling me baby Mom! Ang laki-laki ko na kaya! At isa pa. . .” he glanced at me, “nakakahiya kay Azean.” Nakabusangot ang mukha nitong pahayag sa ina. Mahina akong natawa na mas lalong ikinasimangot nito. Habang si Tita Hayde ay mahinang pinagkukurot ang pisngi ng anak.
“Mom!” saway nito sa ina.
“Anyways, I'm not here for you. I'm here for Azean. Bukas na ang family occasion natin at gusto kong maging maganda si Azean sa mata ng lahat.” Pahayag ni Tita Hayde.
“Mom! Kahit naman hindi mag-ayos si Azean ay maganda na siya. Tsk! Baka imbes na sa ‘kin lang ang atensyon nito bukas ay magkaroon pa ako ng maraming kaagaw.”
“Shut up!” si Tita. Nilingon niya ako at nginitian.
“Let’s go hija, hayaan mo ‘yang anak ko. Mami-miss ka lang niyan kaya nagkakaganyan ‘yan. Mana sa kanyang ama. Seloso na, possessive pa. Tsk. Nakakasakal minsan ang ganyang mindset, hindi ba?” tanong ni Tita sa akin sabay kindat. Tumango naman ako.
“Yup! Nakakasakal nga ang ganyang boyfriend.” Pagsakay ko sa sinabi ni Tita Hayde. Pabagsak na umupo si Hades sa swivel chair nito. Pareho kaming napangiti ni Tita nang pumayag ito.
“Fine! Pero ibalik niyo kaagad si Azean sa akin ah!” parang bata nitong ani. Napailing ako sa sinabi nito. Ano ako isang bagay? Gago talaga.
“I’m sorry, son. Pero bukas mo pa ng gabi makikita si Azean kapag susunduin mo na siya. So, good luck sa mood mo for today's video!” pang-iinis pa ng mommy ni Hades. Kitang-kita ko ang pagdilim ng anyo nito kaya hindi ko mapigilang matawa. Such a baby. Mabilis ko itong nilapitan. Nakalimutan kong nasa paligid lang namin si Tita Hayde. Habang papalapit ako sa binata ay nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Binigyan ko ito ng isang matamis na ngiti. Walang sabi-sabing sinakop ko ang labi nito. Mabilis na tinugon ni Hades ang halik ko. Bigla na lang naging blanko ang lahat. We are oblivious of our surroundings. Naghiwalay ang labi namin ng binata nang may malakas na tumikhim. Nag-iinit ang pisngi kong napatitig sa ina ng binata. Nakita ko ang pilyang ngisi nito. Napaiwas tuloy ako ng tingin dito. Nakakahiya ka Azean Sky! Sigaw ng isipan ko. Napanguso na lang ako. Nang tingnan ko si Hades ay maaliwalas na ang mukha nito
“Take care okay? See you tomorrow night.” Bilin nito. Hindi ko makapa ang boses ko kaya naman tumango na lang ako.
“Tsk! Isang french kiss lang pala ang kailangan mo para pumayag ka. Tsk. Alis na kami, son. Bye!” paalam ni Tita Hayde sa anak nito.
“Take care of my soon to be girlfriend, Mom!” bilin ni Hades. Halos magdugo na ang pang-ibabang labi ko dahil sa ibinilin nito sa kanyang ina.
“Don’t worry son, ako ang bahala sa soon to be daughter in-law ko.” Sagot naman ng ina nito. Tsk! Mag-ina ngang tunay!
“Magsa-shopping muna tayo. Okay?” wika ni Tita Hayde. Tumango lang ako rito. Sino ba ako para magreklamo? Ito na nga ang gagastos, eh magrereklamo pa ba ako? Sa isang sikat at exclusive shopping mall kami unang nagpunta. Halos malula ako sa laki at ganda ng mall na ito. Balita ko ay mga VIP members lang ang pwedeng makapasok dito. Wow! Kungsabagay. Isa sa pinakamayamang angkan ang pamilyang Gonzales sa buong asya at maging sa ibang panig ng mundo.
Una naming tinungo ang mga damit. Lahat ‘yon ay magaganda. Bawat magustuhan ni Tita Hayde pinasukat sa akin, halos abutin kami ng isang oras sa pagsusukat ng evening dress. Hanggang sa nakapili na ito. Isang off-shoulder, na may malaking slit sa gilid na hanggang sa kalahati ng hita ko ang kita. It was elegant and simple, kulay baby blue ito. Naalala ko tuloy ang tawag sa akin ni Hades. Aking bughaw. Lihim akong napangiti. Sa shoes department naman kami nagpunta. Ang daming magagandang sapatos. Iba-iba ang desinyo. Napili ni Tita Hayde sa akin ang isang kulay blue na metallic leather three inch high heels sandal. Hinayaan ko ito sa kanyang gusto. Nang magtungo kami sa bags and accessories ay ito na rin ang namili ng magandang pouch na babagay sa suot ko. Isang baby blue, tatak E & Z iyon, na may maliit na diamond sa palibot ng brand name nito. And I know na genuine ang diamond na nakalagay. Ang mga mayayaman ay walang pakialam sa presyo ng kanilang bibilhin lalo na kapag nagustuhan nila. Binilhan din ako ni Tita Hayde ng isang set ng alahas. Tinanggihan ko na nga ‘yon pero nagpumilit talaga ito na bibilhin para sa akin.
“Tita, ayaw kong isipin niyo na isa akong gold digger. Kaya po sana payagan niyo akong isuli lahat ng binili niyo sa ‘kin ngayon. Pagkatapos ng family occasion bukas ay isusuli ko po lahat ng ito,” pahayag ko rito.
“No, it's my gift for you. Sa ‘yo na ‘yan. At isa pa wala akong iniisip na ganyan sa ‘yo, hija. Alam kong mabuti kang tao.” Nakangiti nitong wika. Umiling-iling ako rito.
“Hindi niyo pa po ako lubusang kilala. Kung gusto niyo akong sumama sa anak niyo bukas ay tatanggapin niyo ang kondisyon ko at ‘yon ay ang ibalik ang mga gamit na pinamili niyo para sa akin. At kung tatanggi kayo ay hindi na lang ako pupunta.” Seryoso kong wika kay Tita Hayde. She sighed.
“Fine you win. Tsk. Ikaw talagang bata ka. Nagawa mo pa talaga akong i-blackmail.” May inis nitong ani sa ‘kin na nginitian ko na lang.
Pagkatapos sa mall ay kumain kami at pagkatapos ay nagpunta kami sa salon. Habang nasa salon ay panay ang kwentuhan namin ni Tita Hayde. At nang matapos ang make over ko ay namangha ako sa nakitang hitsura. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Ako ba talaga ito?
“Sigurado akong tutulo ang laway ng anak ko bukas.” Nakangiting pahayag ni Tita Hayde. Sigurado nga. Lihim akong napangiti sa naisip na hitsura ni Hades kapag nakita ang new look ko. Sana nga tuluyan na siyang magkagusto sa akin.