"Nyxia." Huminto sa paglakad si Nyxia at nilingon ang tumawag sa kanya. Pamilyar sa kanya ang babae ngunit hindi niya alam kung ano ang pangalan nito. Hindi na nagtaka si Nyxia kung bakit may nakakilala sa kanya dahil kilala silang mag asawa sa barangay na ito dahil nagpapa utang sila ng pera. "Wag mo sana masamain ang sasabihin ko, ha." ani ng ginang ng makalapit sa kanya. Mukhang alagad ito ng simbahan dahil may bitbit itong bible at nakasuot ng malaking kwentas na may krus. "Yung bahay niyo kasi sa Buenavista may babaeng nakatira doon, dalaga." aniya at hininaan pa ang boses at napalinga baka may makarinig sa kanya. Nagsalubong ang kilay ni Nyxia, nagtataka. "Ho? Sigurado kayo? Kailan pa?" "Mag tatlong buwan na. Hindi ba sinabi sayo ng asawa mo na may nangungupahan na roon?" umiling

