Nang araw na iyon pinal na ang desisyon ni Aliyah na putulin ang ugnayan sa pamilya. Matapos ang pabor na ginawa sa pagitan ng kanyang pamilya at sa Lim pinapangako niya sa kanyang sarili na huling tulong na iyon para sa kanyang ate. Ayaw na niyang makialam pa. Kung magtagumpay man o hindi ang ginawa niyang pakiusap wala na siyang pakialam. Matapos ang pag uusap na iyon kaagad niya rin pinauwi ang ate niya. Hindi man sila nagka ayos dalawa ang mahalaga sa huling pagkakataon nakapag usap rin silang magkapatid. Hindi pa matanggap ni Aliyah ng lubos ang lahat ng ginawa ng ate niya kaya hindi pa nito mapatawad at masabing okay na silang dalawa. Marahil may progreso ang hakbang na ginawa niya dahil makaraan ang ilang araw walang may nanggulo na pamilya niya sa kanya na pipilitin siyang umuwi

