Tuwing alas-sais ng umaga inaasahan na ni Aliyah na makikita niya si Dylan sa harap ng kanyang bahay na inuupahan. At sa tuwing nakikita niya ang lalaki hindi nagbabagoo ang klase ng t***k ng kanyang puso. Ang dahilan ng kaba, aligaga at tensyon. 's**t! Hindi ko na maitatago sa sarili ko na gusto ko ang lalaking ito,' iritable niyang usal sa isipan. Nagpakwala siya ng isang malalim na paghinga upang makalma ang sarili bago tuluyang lumabas ng bakuran. Ang matamis na ngiti kaagad ni Dylan ang bumungad sa kanya. "Hi. Good morning," pagbati ni Dylan sabay abot dito ng isang tangkay ng red rose. Alanganin na ngiti ang kanyang isinukli sa lalaki. "G-good morning. Thank you." Gusto niyang sapukin ang sarili ng ayaw kumalma ng sistema niya. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at nara

