Ito ang kabayaran sa lahat ng ginawa ni Nyxia. Kahit anong pagsisi at paghinayang niya hindi na niya maibabalik pa sa dati ang lahat dahil sumuko na ng tuluyan si Dylan. Ang pagiging kasal lang nila ang pinanghahawakan niya ngayon at kahit ano pang gawin ni Dylan hinding-hindi niya iyon isusuko. Hindi parin siya bibitaw hanggat dito pa sa kaniya umuuwi si Dylan dahil kahit saang anggulo tingnan kasal parin silang dalawa, mag-asawa parin sila. Bumalik ulit sa kanyang alaala ang mga panahon na lahat ng galit, sakit at pagkamuhi niya sa ama sa ginawa nitong pagtataksil at pagsinungaling. Wala siyang mapagsabihan ng mga panahon na iyon dahil kahit sa dalawa nitong kapatid alam niyang hindi siya pakikinggan. Umiwas siya sa lahat. Hindi siya nakikipag-usap kahit kanino dahil natatakot siya na

