Isa lang ang masasabi ni Dylan--ang swerte niya kay Aliyah. Ngunit hindi niya hahayaang mangyari na maramdaman ni Aliyah na pangalawa lang siya na importante sa kanyang buhay. Linggo. Sinadya niyang agahan ang pagpunta sa bahay ni Nyxia upang maabutan ang mag-ina. Pagkarating ni Dylan naabutan niyang nagtatalo ang mag-ina. May suot na bag pack si Cianne habang hinihila siya sa kamay ni Nyxia palabas ng kanilang bahay. "Nyx," pagkuha ni Dylan ng atensyon sa dalawa. Nababahala siya sa sitwasyon ng mag-ina. "Mommy, please ayoko," Cianne beg. Nabuhayan naman ng loob si Nyxia ng makitang nariyan si Dylan. "Cianne, diba sabi ko saglit lang?" naubos ang pasensya ngunit kalmado paring sabi ni Nyxia. "Ilang linggo mo na rin hindi nakaka-usap at nakakasama daddy mo." "Pero, mommy..." naiiyak n

