Chapter 45 Pa balik-balik ang tingin ni Charly sa akin at kay Zach na parang litong-lito siya sa mga nangyayari. I sighed and tried to think of words to say, but I couldn't even utter a single word. Kahit ako ay gulat rin at natataranta. "Mr. Montañez," gulat na sabi ni Charly kaya wala sa sarili akong napalingon kay Zach na wala lang pakialam. Maglalakad na sana ako papunta kay Charly kaya lang hindi natuloy dahil may biglang kumatok sa pinto. Kunot ang noo kong napatingin doon pati na rin ang mga kasama ko dito. "Who it is?" tanong ko kay Zach pero nagkibit balikat lang siya bago humakbang papunta sa pintuan. I am not expecting a visitor, so that must be for him. Matalim akong tiningnan ni Charly saka sinenyasan na sasakalin kaya inirapan ko na lang siya. Tinuon ko ang mga mata ko

