Chapter 52 Pumunta ako sa meet and greet kasama si Charly, PA saka mga bodyguards ko. Si Zach sumunod gamit ang kotse kasi ayaw ko siyang sumabay sa van. And we need to be careful. "Sinong hinahanap mo? Focus," pagalit na sita ni Charly nang maki1ta ako na palinga-linga sa paligid kanina pa. "Have you seen Zach?" marahang bulong ko kasi hindi ko na mapigilan pa. Kanina ko pa siya hinahanap at hindi ko makita kung saan. Hindi ko rin siya ma-message dahil naiwan sa mga gamit ko ang phone ko. Ngayon ay dami kong kaharap na mga fans. My fans made this big event for me. Ang ingay at lahat ay nagtatawanan. Halatang masaya. "He's here?" Biglang namilog ang mga mata ni Charly saka tumulong na rin sa pagpalinga-linga. Bahagya akong tumagilid para umirap sa naging reaksyon niya. Nawala lang

