Chapter 22 Sandaling bumaba ang tingin niya sa basa kong damit pero kaagad rin siyang napaiwas ng tingin. "Borrow my clothes." Marahan niya akong dinala sa malaki niyang closet. Marahan ko na nilibot ang mga mata sa loob kung saan marami ang mga damit niya. May mga sapatos rin na nakaayos sa bandang gilid. "Choose what you want. Lalabas ako para makapag bihis ka," matapos niyang sabihin iyon ay talaga ngang lumabas siya saka marahan na sinara ang pinto ng closet. I got amazed when I saw his closet. This is too big for him. Nakaayos ng maayos ang mga gamit niya at maganda tingnan. Dinampi ko ang daliri ko sa bawat damit na madadaanan. Nang makita ko ang isang jersey niya ay dahan-dahan ko iyong kinuha. It's color blue, and it has his last name at the back, then a big number sixteen.

