Chapter 17 "Blaire? Sigurado kang ayos ka lang dito? Mag-lock ka ng pinto mamayang gabi at huwag na huwag mong bubuksan kapag may tumawag sa labas. Sumama ka na lang kaya sa akin? I'll just talk to your teachers? Hindi talaga ako kampante na maiiwan ka dito!" problemadong saad ni Mommy habang nag-aasikaso ng mga gamit niya. "Ma, okay lang—" "Okay? No! I don't trust anyone here! Our house is big! Kaya paano kapag may pumasok? Huwag na lang kaya akong sumama sa seminar? Ang layo ng Cebu! Oh My God! Bernard! What should I do to your daughter?" Natawa ako ng mahina habang tinitingnan si Mama. She'll be having a three days seminar in Cebu so I'll be alone in our house. Ngayon pa lang ay parang pasan na niya ang mundo. "I am eighteen—" "You are just eighteen!" Natawa muli ako. "Ma, I wi

