Chapter 36 I couldn't sleep at night. Marami ang pumapasok sa isip ko na nagbibigay sa akin ng mga ideya na alam kong hindi ko dapat isipin. Kaya para malibang ay napilitan ako na pumabas saka maglakad-lakad. Wearing my terno sleeping pajamas, I walked outside my villa. Ramdam ko ang lamig pero hindi ko rin magawang bumalik sa loob dahil sa magandang nakikita. The moon is bright, and the chinese lanterns in every tree made me see paradise. Tuloy-tuloy ako na naglakad. Sobrang tahimik ng lugar. Ramdam na ramdam ko qng probinsya sa lugar na ito. Lahat ng villas na nadadaanan ko ay tahimik at patay na ang ilaw. Hindi ko namalayan na lumalayo na ako. Napa-singhap na lang ako nang mamataan ang malaking villa. Nanlaki ang mga mata ko saka wala aa sariling napa-tingin sa dinaanan ko. My fe

