Chapter 25 Kinabukasan ay napapikit na lang ako ng mariin dahil wala akong natanggap na kahit isang message galing kay Zach. No good morning, like what he used to do. "You don't have a class?" tanong ni Papa noong bumaba ako. "Rest day," sabi ko saka marahan siyang niyakap mula sa gilid na ikinangiti niya. "Aalis na ako, Honey, take care of your daughter," biglang paalam ni Mama kaya marahan akong tumango. Papa gave my Mama a swift kiss on her cheek. Napangiti naman ako habang tinitingnan silang ganoon. Sometimes, being young is not good. I want to grow older so fast. Nang makaalis si Mama ay naiwan kami ni Papa. We watched tv and played some board games. Ilang ulit akong napapsulyap sa phone ko habang ginagawa namin iyon. Dahil baka sakaling maisipan ni Zach na mag-text pero wala.

