HINDI KO inaasahan ang biglaang pag-angkin ni Andriuz sa mga labi ko, pero hindi ko rin maitanggi na may bahagi ng sarili ko na sabik sa mga halik niya. Nang maramdaman ko ang init ng kanyang mga labi, parang natunaw lahat ng pag-aalinlangan ko. Sa bawat dampi ng kanyang halik, tila ba unti-unti niyang binabasag ang pader na dahan dahan kong itinatayo. "Andriuz..." bulong ko habang lumalalim ang bawat hinga ko. Wala nang ibang lumalabas sa labi ko kundi ang pangalan niya at mga ungol ko. Habang ang kanyang mga kamay ay naglalakbay sa bawat sulok ng aking katawan, lumalapat naman ang kanyang mga halik sa leeg ko, nag-iiwan ng init at kiliti na bumabalot sa akin. Hinawakan niya ako sa beywang at marahang itinaas upang mailagay ako sa ibabaw ng kanyang mesa. Ramdam ko ang lamig ng mesa sa i

