FIVE YEARS

1446 Words
HINATID ako ni Andriuz sa bahay pagbalik namin sa Makati. He knew I was in no condition to face the workday kaya sa huli, pinayagan niya pa rin akong huwag muna akong pumasok sa kompanya kasi hindi ko pa kaya. Bukod sa may hangover ako, this pain is suffocating, and I can't focus on anything else. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakabangon sa bangungot na ‘to. Pagpasok ko sa aking kwarto, muling bumuhos ang mga luha nang makita ko ang picture frame sa aking bedside table. Ito 'yong picture namin ni Henry noong nagpunta kami sa Boracay. Naalala kong nangako siya sa’kin sa panahon na ‘yan na ako lang ang babaeng mamahalin niya at gusto niyang pakasalan. Na hindi siya gagawa ng isang bagay na ikakasira ng pagsasama naming dalawa. Pero lahat ‘yon isang malaking kasinungalingan. His promises were nothing more than an empty words. Kinuha ko ang picture frame at sa inis ko hinagis ko ito sa pader. Nabasag ang frame at nagkalat ang mga pira-pirasong salamin sa sahig. I stood in the middle of the mess, naninginig ang mga kamay ko sa galit habang ang mga luha ko’y patuloy na dumadaloy sa aking pisngi. 'Yong limang taon naming relasyon sinayang niya. Paano niya nagawa ito? Paano siya nakahanap ng lakas ng loob na itapon ang lahat ng pinagsamahan namin? Ang dami ko nang isinakripisyo para sa kanya. Hindi ko tinuloy ang pag-aaral ko sa California dahil ayaw niya ng long distance relationship. I even put my dreams on hold para sa relasyon naming dalawa. But still he chose to betray me with my bestfriend. Pero hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng magmukmok nalang ako at umiyak nang umiyak. Crying over their betrayal won't fix anything. I need to move on. I had to find a way to heal. Marami ang lalaki sa mundo at kaya ko siyang palitan. Henry, that scúmbag, isn’t worth any more of my tears. Kinuha ko ang phone ko and I turned it on. Kahapon ko pa ito hindi binuksan nang magpunta ako sa Midnight Bar. When I open it, I notice that Henry had been calling me for the entire night. Two missed calls galing kay kuya, and 18 missed calls galing kay Henry. Marami rin akong natanggap na text message galing kay Henry. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag? Amara, I'm sorry... Please give me a chance to explain. I love you, Amara. Please Amara, magpapaliwanag ako... I don't want to lose you, baby.... Please give me a chance... Amara, please let me explain... I love you, baby. Please pag-usapan na'tin 'to. Mas lalo akong nainis pagkatapos kong basahin ang mga text message ni Henry. Paano siya nagkaroon ng kapal ng mukha para sabihin ang mga iyon pagkatapos ng lahat? Pagkatapos niyang tapakan ang tiwala ko at itapon ang limang taon naming pinagsamahan? Isang malalim na hininga ang binitiwan ko bago ko binura ang lahat ng text message niya na puro pagmamakaawa. Hindi ko na kailangang marinig pa ang paliwanag niya. Hindi na. Dahil sa totoo lang, kahit ano pang sabihin niya, hindi na niya mababago ang katotohanang niloko niya ako. At ang pinakamasakit pa, kasama ang best friend ko. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili. Namumugto ang mga mata ko, at halata ang pagod at sakit sa aking mukha. Hindi ito ang Amara na kilala ko. Ang Amara na lumalaban, ang Amara na hindi nagpapatalo. Nagpasya akong mag-shower, hoping that the warm water would wash away the pain kahit pansamantala lang. Habang nasa ilalim ng tubig, iniisip ko ang mga plano ko para sa mga susunod na araw. It’s time to move forward. Masakit at mahirap pero alam kong kakayanin ko. Sa una lang naman mahirap, but I know I’ll get through this. Paglabas ko ng banyo, nakaramdam ako ng konting kaginhawaan. Hindi pa ako ganap na okay, pero mas buo na ang loob ko. Kailangan ko lang ng oras, at alam kong eventually, magiging maayos din ako. Henry is my past, and he doesn’t deserve to be part of my future. Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at tinawagan ang phone number ni Henry. Kailangan naming mag-usap hindi dahil gusto kong makipag-ayos, kundi para tapusin ang limang taong relasyon namin na sinayang niya. After a few rings, Henry picked up the call. "Amara, thank God! Finally, sumagot ka rin," his voice sounded desperate. "Meet me in the coffee shop at five,” sagot ko, pinipilit na maging matatag ang boses. “Amara, baby. Please let me explain..." "If you have anything to say, do it face-to-face. Don’t keep me waiting, Henry." "Amara please—" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad kong binaba ang tawag. Tatlong oras pa bago mag-alas singko kaya may oras pa ako para mag-ayos ng sarili ko. I want a new hairstyle kaya nagpunta ako sa pinakasikat na hairsalon sa Makati, ang Elegance Studio, kung saan madalas magpaayos ang mga artista at ang mga sikat na personalidad. Ang aking buhok ay natural na tuwid at itim na umaabot hanggang beywang ang haba. Ito ang nakasanayan kong buhok, pero gusto ko ng bagong hairstyle, something fresh and modern. Hinayaan kong ang hairstylist ang pumili ng buhok na babagay sa'kin. At hindi ako nagkamali dahil matapos ang halos isang oras, napangiti ako nang makita ang sarili ko sa salamin. Ang dating mahabang tuwid na buhok ko ay nagkaroon ng bagong anyo—layered cuts at soft waves na nagbigay sa akin ng youthful at energetic na itsura, habang ang highlights ay nagdagdag ng liwanag sa aking mukha. I like my new hairstyle, seems drastic but exciting. Malapit ng mag-alas singko kaya bumalik na ako sa bahay para magpalit ng damit. Ayaw na ayaw ni Henry na nagsusuot ako ng mga sexy na damit, kaya ngayon pinili ko ang dress na ayaw niyang makitang suot ko. Binuksan ko ang aking closet at kinuha ang red silk dress na hindi ko pa nasusuot. Ang dress na ito ay backless at may mataas na slit—masyadong itong daring, malayo sa nakasanayan ni Henry. Pinaresan ko ito ng black pointed high heels at isang maliit na clutch bag. Naglagay rin ako ng light make-up at sinigurado kong tama ang lahat ng detalye bago umalis. Pagdating ko sa coffee shop, nakita ko si Henry na nakaupo sa isang mesa sa sulok. Mayroon siyang isang latte sa kanyang harapan at mukhang kanina pa siya naghihintay. He looks nervous and troubled. Naglakad ako palapit sa table niya at agad siyang napatayo nang makita niya ako. "Amara..." Tinangka niyang hawakan ang kamay ko pero agad ko itong iniwas. "I’m so glad na dumating ka. You're stunning in your new look, babe." "Henry, let's cut the crap," malamig kong sagot, at umupo sa harap niya. "Hindi ako nandito para marinig ang mga papuri mo. I'm here to end this." Napalunok siya at umupo rin pabalik sa kanyang upuan. "Amara, please, pakinggan mo muna ako. Let's not do this here. Let me explain everything—" Tumitig ako sa kanya, pinipilit na hindi magpakita ng kahit anong emosyon. “Bakit kita papakinggan, Henry? Para saan pa?" "Babe, I’m really sorry for everything. Alam kong nasaktan kita. But it was a mistake—a terrible mistake. I love you, ikaw lang ang mahal ko, and I can’t imagine my life without you." "Henry, let’s be honest. Kung talagang mahal mo ako, hindi mo ako lolokohin. Five years, Henry. Five years ng buhay ko ang ibinigay ko sa’yo, pero ano ang ginawa mo? You cheated on me with my best friend.” Pinilit kong pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. I needed to stay strong, hindi ako pwedeng magpatalo sa sitwasyon na 'to. "Amara, maniwala ka sa'kin. There's nothing between me and Danica. Ikaw lang ang mahal ko." Napatawa ako nang mapakla. "Nothing between you and Danica? Henry, nakita ko kayong dalawa, both naked. Paano mo ipapaliwanag 'yon? Ano 'yon practice lang, ganon?" Natahimik siya sa mga sinabi ko. I could see the guilt in his eyes. “It was a mistake, Amara. But it meant nothing. She means nothing to me." "Sabihin mo sa'kin ang totoo, Henry. Even just this once, can you be honest with me?" "Yes babe. Im willing to do anything to make things right again." Hindi ko alam kung tama bang itanong ang bagay na 'to. Alam kong kapag narinig ko ang sagot niya, masasaktan ako ng sobra at posibleng magkaroon ito ng epekto sa'kin. Pero gusto ko pa ring malaman ang totoo. "Sabihin mo sa'kin ang totoo Henry...ilang beses na bang may nangyari sa inyo ni Danica?" Natigil siya at nakita kong napalunok siya ng laway sa kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD