NAGING bingi-bingihan na lamang si Sharon sa mga sinasabi at sa galit na natatanggap niya sa binata. Hindi siya nagtatanim ng sama ng loob kay Sky dahil mahal niya ito at susundin niya ang pangakong patuloy na mamahalin at ipaaalala kung gaano siya nito minahal noon.
Kabadong lumapit si Sharon kay Sky nang ipatawag siya nito matapos ang meeting.
“I need a good location for the advertisement. Do you have an idea on mind?”
Nakahinga siya nang maluwang dahil hindi naman pala siya nito pagagalitan. “Yes,” mabilis na sagot niya.
“Then, bring me to that place.”
Napangiti siya nang makasakay na sila ng sasakyan. Pagkakataon na niya na ipaalala sa binata na minsan siyang naging parte ng buhay nito.
“Where exactly we’re going?”
“Just straight ahead then turn right to the second intersection.”
Ginawa nito ang instruction niya. Dinala niya ang binata sa School na pinasukan nito. Dahil buwan na ng Mayo ay sarado pa ang School. Nakiusap lang siya sa Guardiya kaya napilitan itong papasukin sila. Nakarating sila sa Auditorium ng School.
“This is the Audi. Ito ang popular na lugar dito sa School.”
Inikot ni Sky ang mata sa paligid.
“Maganda ‘di ba? Marami akong magagandang memories dito kasama ang taong nagmahal sa akin ng husto.”
“Marami ka pa lang memories dito, ba’t ako pa ang dinala mo rito?” Bahagyang natahimik si Sky. ‘Bakit parang nakapunta na ako rito? It gives me chills.’
“Ayaw mo ba ang lugar na ito? We can change the location if you don’t want to.”
“I want something peaceful that can give you a peace of mind.”
“Ah. May naisip na ako. Let’s go!”
Mabuti na lang at naaalala pa niya ang daan sa lugar na iyon, kung saan una siyang dinala ni Sky noon. Imposibleng makalimutan niya iyon.
“Ito na ba ang sinasabi mong location?” Binuksan nito ang bintana at tinanaw ang malawak na kagubatan. “Paano makakapasok ang sasakyan dito?” reklamo na naman nito.
Bumaba si Sharon at umikot para pagbuksan siya. “Mas maganda sa taas ng bundok. It will give you a peace of mind.” Bumaba rin si Sky. “Usually, mountain climbers ang dumadayo rito. But they said that water from the lake is a miracle. Sabi nila kung sino raw ang couples na pumunta rito at sabay na bumaba ng bundok ay hindi na magkakahiwalay.”
“Do you think we’re couple? Huwag ka ngang magpatawa. Ilan na bang lalaki ang dinala mo rito? Para pati ako idamay mo? He must be an asshole para pabayaan kang mag-isa.”
Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Hinubad niya ang suot na high heels at nagpaa paakyat sa bundok.
“Hey! Kailangan ba talagang magpaa ka?” muling reklamo nito nang nakasigaw.
Nagtuloy-tuloy siya sa pag-akyat habang sinusulyapan ang nakasunod na binata. Tahimik na rin itong sumunod sa kanya. Nang makarating sila sa tuktok ay hindi na niya ginawa pang pagmasdan ang paligid at ang ibaba niyon dahil sa takot niya sa heights. Madali sa kanya ang umakyat ngunit mahirap na ang bumaba.
“What do you think of this place?” nakatalikod na tanong niya rito at nakatingin lang sa mga daliri.
He transfers his gaze from the scenery to her. “Masyadong mataas at delikado. Paano kung may mahulog dito? Thumbs down.”
“Pero maganda naman talaga dito.”
“Hey, kung galit ka sa mundo dahil iniwan ka ng lalaking pakakasalan mo, huwag mo akong idamay. I love my single life.”
Bahagyang pumatak ang luha ni Sharon dahil hindi pa rin siya naaalala ni Sky.
Halos maputol ang litid niya sa lalamunan upang imikin ito. “K-kung hindi mo pa rin gusto, may alam pa akong isa.”
“Let’s go back.”
Tahimik na umiyak na lang sa isip si Sharon. Hindi siguro talaga siya maaalala ng binata.
Pababa na sila nang mag-hesitant na bumaba si Sharon. Natanaw pa lang kasi niya ang ibaba ng bundok, bigla nang umikot ang paningin niya.
Nauna nang bumaba si Sky at agad na tinanaw si Sharon ngunit nanatili lang siya sa taas.
“Hey, hindi ka ba bababa? Tara na.”
Nakakapit lang si Sharon sa puno at diretso ang tingin kahit na tinatawag na siya nito. Nang hindi siya sumunod ay bumalik na umakyat si Sky at hinawakan ang kamay niya.
“Ano pa bang hinihintay mo, pasko? Bumaba ka na diyan. Huwag mo sabihing kailangan pa kitang buhatin para lang bumaba ka?”
Ipinikit na lang ni Sharon ang mga mata para hindi maisip na mataas ang bababaan nila. Inabot niya ang kamay nito. Nagpatuloy sa paglakad pababa si Sharon at parang ito ang gabay niya pababa. Nanginginig ang tuhod na humakbang si Sharon hanggang sa hindi nakapa ng paa niya ang malalaking ugat ng mga puno at tuluyan siyang nadulas at diretsong bumagsak ang katawan niya pabulusok sa ibaba.
Hindi sinasadyang mabitiwan siya ni Sky kaya hindi na malaman nito ang gagawin nang makitang walang malay siyang nakahiga. Agad na dinaluhan siya ni Sky at iniangat siya.
“Hey, little Dork. Wake up! Hey!”
Bahagyang nagdilat siya ng mata. “S-Sky?”
“Are you really that stupid? Bakit kasi nakapikit ka kung bababa tayo ng bundok?”
Unti-unti siyang bumangon. “I had an Acrophobia since childhood.”
“Bakit dito mo pa ako dinala? Sana sinabi mo kaagad.”
“I’m sorry. I’m sorry,” hingi niya ng paumanhin.
“Huwag ka ng umiyak. Tumayo ka na lang diyan. It’s all your fault why you fell.”
Akala niya ay maaawa ito sa kanya, ngunit manhid pa rin ito at hinayaan siyang lumakad pababa. Mukhang nakatulong ang pagbulusok niya paibaba dahil kahit paano ay hindi na masyadong mataas at matarik ang nilalakaran nila. Iyon nga lang ay nasagi ang bukong-bukong ng paa niya at iika-ika na nga siyang maglakad. Hindi man lang siya nito tinulungan at inalalayan.
“Okay ka lang ba?”
Gusto na niya itong batuhin o kaya ay itulak para lang muli itong maumpog at baka sakaling may maalala na sana ito. If she can turn back the time, hindi na niya sasayangin lang ng effort na ginawa sa kanya ni Sky. But it will never be, all she can do now is to take care of him. Matagal-tagal pa siguro ang hihintayin niya para bumalik ang alaala nito at tanggapin ang pagiging rude nito sa kanya.
“Hindi ka ba talaga nag-iisip? You have acrophobia, but still you insist to go here. Kung naaalala mo sa ‘kin ang jerk mong boyfriend just forget him. I’m not the kind of person losing my girl just for the sake of others.”
Gusto niyang umiyak, gusto niyang isigaw na ikaw ‘yon, iniwan mo ako at kinalimutan’ pero hindi niya magawa dahil kahit gawin man niya, hindi pa rin ito magbabago para sa kanya.
Mukhang nahihirapan na rin siguro itong makita siya na iika-ika at sobrang bagal maglakad kaya binalikan siya nito at binuhat na. “Come on. Kung hahayaan pa kitang maglakad, I’m sure bukas pa tayo makakauwi.” Kinarga siya nito na parang sa bagong kasal.
NAGPAHATID na lang siya sa bahay nila. Nang makapagpaalam ito sa Tiyahin niya ay umalis na rin ito. Naiyak na lang siya sa trato nito sa kanya. Sana lang isang araw ay magigising ito na mahal na siya nitong muli.
Hindi na siya pumasok kinabukasan, nag-message na lang siya rito na masama pa ang pakiramdam niya at himalang hindi na ito nangulit at sumagot lang ng OK sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung susuko na ba siya dahil sa ugali nito at pinapakita sa kanya. Hindi ngayon. Hindi sa ngayon.
Nang malaman ni Cloud na hindi pumasok sa Opisina si Sharulyn napasugod agad ito sa Office ni Sky.
“What brought you here?”
“Nǐ huì wèi tā zuò duōjiǔ?” (How long will you these to her?)
“Nǐ zhīdào, wǒ bù míngbái.” (Alam mo, hindi kita maintindihan)
“Bùyào gēn wǒ shuō, nǐ bù zhīdào fāshēngle shénme.(Don’t talk to me that you’re not aware of what is happening.) Because I will no longer accept it,” matigas na sabi ni Cloud sa kanya.
“Do you think I am the Ègùn (Villain) here?”
“Kung hindi mo siya kayang tanggapin at pahalagahan, fire her. Maraming handang sumalo sa kanya, if you’re familiar with the song HALAGA. Try searching the lyrics, baka sakaling mag-sink in sa utak mo.”
Pagkabitiw sa mga salitang iyon ay agad siyang lumabas ng Opisina nito at nagmaneho papunta sa bahay nina Sharon.
Malugod naman siyang pinapasok ng Tiyahin para makapag-usap sila ni Sharon.
“Hindi mo na sana ginawa iyon, Cloud. I already accept it that he forgets me.”
“Do you think its fate?”
Tumawa siya ng mapakla. “Isang taong nakalimot at isang taong gustong makalimot. Maybe,” then she fake a smile.
“Let’s do the task then,” panunuyo nito sa kanya. “You will appear to her Bar, and I will appear to his office.”
“Kailan mo pa alam?”
“Nakausap ko ang Doktor na sumuri kay Meunnie and he found out that she was faking it. Gusto niyang makalimutan na ako. I already did my part. Sinuyo ko na siya but nothing has changed. Kunwari ay hindi niya ako kilala and I know how painful it is.”
“Same boat with the same intention.”
Alam niyang naiintindihan ni Cloud ang kalagayan niya at mukhang siguradong-sigurado si Cloud na sa paraan na iyon ay babalik ang dalawa sa kanila. Kaya nakipagtulungan siya kay Cloud, in case na daw na hindi mag-work out ang ginagawa nila, they will give a try to each other. Sigurado rin naman siyang hindi magiging mahirap mahalin ang isang Cloud Gohtencee kahit si Sky pa rin ang isinisigaw ng puso niya.
Pinaghandaan na niya ang pagpasok nang sumunod na araw, nagulat pa siya nang [inag-shopping siya ni Cloud para daw ito ang masuot niya sa araw na iyon.
“You look good in that dress, hindi ka mukhang punggok,” pangmamaliit pa nito sa kanya.
Minsan tuloy gusto niyang bawiin ang mga sinabi at huwag na lang makipagtulungan dito dahil sa kagaspangan ng ugali nito. Still the stone hearted person she knew from the very start. Hindi tuloy niya maintindihan kung anong bagay ang nagustuhan ni Meunnie kay Cloud. Marahil may isang bagay pa rin itong nagustuhan sa binata.
“Pwede ka ng umuwi. Thanks for fetching me.”
Bumwelo si Cloud at nilapitan ang pisngi niya. “Pretend that I kiss you,” mahinang bulong nito. Napilitan tuloy siyang ilapit ng husto ang pisngi kahit na bahagyang naiilang.
Nakita niyang dumaan roon si Sky at hindi niya alam kung sinadya ba nitong tabigin ang kakambal kaya bahagya itong na-out of balance, mabuti na lamang at maagap niyang nahawakan ito sa braso.
“Okay lang ako. Sure, he was jealous. Go now,” just a Tyrant he said.
Narinig pa niya ang bulong-bulungan ng ilan.
“Grabe, hindi na nakuntento kaya kakambal na ang pinatulan.”
“Gano’n talaga pag nangangati.”
Napahinto si Sky at bumalik sa Hallway. “Kapag may narinig pa akong nagsalita, pass your resignation today.” Saka marahas na iniwan ang mga ito.
Nakita niyang madilim ang anyo ng binata at parang mainit ang ulo. Hindi tuloy niya malaman kung dahil iyon sa kanila ni Cloud o dahil badtrip lang talaga ito ngayon.
“Ms. Torregoza!”
Patakbo niyang pinuntahan ang table nito nang marinig itong sinisigaw ang pangalan niya. Tiningnan muna siya nito mula ulo hanggang paa. “I guess you’re really cured. So, let’s find another place.”
“Ngayon na ba sir?”
“Did I say tomorrow?”
Umiling siya saka sinundan ang naghuhuramentadong Boss. Padabog pa nitong binuksan ang pinto ng sasakyan nang makarating sila sa parking area at makatapat sa sasakyan nito, binasa niya ang nakasulat na KIA K900.
“Sakay na little Dork.”
Napataas ang balikat niya nang padabog nitong isinara ang pintuan. Napahigpit ang kapit niya sa seat belt nang umarangkada ang sasakyan at tila gusto nitong bumangga sila sa kung saan.
“Sir, kung magpapakamatay ka, huwag mo naman ako idamay,” nininerbiyos na sabi niya rito.
Umayos ito ng upo at bumalik sa tamang ritmo ang pagpapaandar nito. “Then, don’t mess with my twin. Hindi mo siya kilala. I may look a playboy, indeed. But he’s worse than that. Ni de shēngming keneng yǒu weixian (Your life may in danger) So it’s better not to trust him.”
Napatitig siya ditto at hinuhuli ang mga mata nito kung nagseselos nga ba ito sa kanila ni Sky. She wants to cross her fingers praying that their pretention is working.
“B-Ba’t ka ganyan makatingin? Huwag mong isiping nagseselos ako. I’m not!”
“Bakit defensive ka?”
“No. I’m not,” mariing tanggi nito.
Lalong namula ang tenga nito. “Okay. I don’t see that he was a bad guy. Infact, madali siya kagaanan ng loob. Naalala ko tuloy sa kanya ang Fiance ko.”
“Akala ko ba sa akin mo naalala ang Fiance mo?”
“Well, pareho kayo ng ugali, pero kamukha niya si Cloud.”
Napatingin ito sa kanya nang ma-realized ang sinabi niya. “Wait, we have the same face.”
Hindi na siya umimik. Naramdaman na lang niyang hinihila siya ng antok. Nang magmulat siya ng mga mata, may nakapatong ng Jacket sa katawan niya at nakababa na rin ang upuan niya. Wala na rin sa tabi niya si Sky at nang matanaw ang paligid, nakaparada na ang sasakyan sa Dalampasigan. Mabilis na lumabas siya ng sasakyan. Nakita niya itong may tinutunggang Beer.
“Paano mo nalaman ang lugar na ito?”
“Instinct siguro, ewan.”
Lumapit siya rito. Sana matandaan nito na dito ito unang nag-propose noon.
“I like this place, a perfect spot for the Advertisement.”
Mayamaya ay naramdaman nila ang unti-unting pagpatak ng ulan. Itinuro nito ang bahay sa ‘di kalayuan. It was the same house when they rest before.
Nakangiting nilapitan sila ng Care taker. “O, kayo uli. Baka bibilhin nyo na itong bahay ah. Exclusive for house vacation lang ito at huwag nyo na isiping dito mag-honey moon,” may kilig na sabi ng matandang Caretaker.
“Sandali.” Pinigil ni Sky ang pag-alis ng matanda. “Ibig bang sabihin nakapunta na kami rito?”
“Oo naman. Nagpaalam ka pa nga sakin na dito kayo magpapagabi dahil magpapakasal na sa ‘yo ang nobya mo.”
“Nobya?”
Itinuro ng matanda ang babae. “Oo. Siya, si Ms. Sharulyn. Sige, maiwan na muna kita at kailangan ko pang sunduin ang asawa kong pumalaot baka lumakas pa ang ulan.”
Naiwang nakatanga si Sky at iniisip ang mga sinabi ng matanda hanggang bahagyang pumintig ang ulo niya kasunod ang paghiyaw niya sa sakit niyon.