Chapter 55 3rd Person's POV Sa isang hapag kainan after ng party nakita nina Coquelicot at nakasama sa table ang buong angkan ng mga Zoldic. Schocked siya kasi meron pa palang dinner after ng party. Tahimik ang table, mabigat ang atmosphere. Nagsimula ng kumain ngunit hindi ni Citroen ginagalaw ang pagkain niya. "Ngayon tayo na lang ang nandito at nandito ka na din naman. Alam mo ba na after 6 months ibibigay ni Citroen ang posisyon sa kapatid niyang babae," tanong ng ginang at tiningnan si Coquelicot. Napatigil ang babae na kaharap ni Citroen— maganda ito. Mali iba ang level ng ganda nito kung tatantiyahin ni Coquelicot. Sa table na iyon sa dami ng tao na nasa lamesa— bulag lang ang hindi makakapansin at malalaman kung sino ang mga kapatid ni Citroen. Nakikita ni Coquelicot ang ka

