Nang lumapit ang Madame...
~saan ang bihisan nyo nais kong magpanggap na babae at magsilbi sa lahat!...
Nang marinig ng mga babae nagtawanan ang mga ito at sinabihan ni Sukkyo na tumahimik, nanahimik naman ang mga ito.
Ahhh~di makaimik ang Madam, pero pumayag naman ito,
Sukkyo samahan mo ko dali...!
Bakit?
Binulungan...
Tatawa-tawa itong umalis kasama si Nam Yeo at ang isang Gisaeng.
...
Anong bagay sa akin?
Yung kulay puti.
Eh, sa ganto?
Kulay... Asul na langit!~ang sabi ni Sukkyo
Sa sapatos?
Yung kulay asul na matingkad!
Ano sa tingin mo itong ayos na to?
Ah, hindi?
Binago ang ayos...
Ah, hindi!
Eh ito?
Umm... di pa rin!
Haystt~malungkot ang mukha, nawawalan ng pagasa.
Yung simple lang tapos may eleganteng bulaklak na ipit at ubod ng pulang labi. Ayan oh!
Tiningnan sa salamin...
Hmm, maganda nga! Salamat!
Ikaw pa, malakas ka sa akin no!
...
Unang bumalik si Sukkyo,
Nasaan si Nam Yeo?
Ewan?
Eh, kayo ang huling magkasama ah?~sabi ni Boss Hae.
Oo kami nga po pero naghiwalay kami kanina pa!
Makalipas ang ilang minuto... unti-unting inihain na ang pagkain.
Nasaan ang alak?~tanong ni Boss Gu
Saglit lang po.
Dinala ni Nam Yeo...
Napakagandang binibini! Parang bulaklak na tumubo sa masalimuot na parang.~sabi ng mga kasama ni Boss Gu.
(Kumindat at kumendeng naman si Nam Yeo)
Anong itinatakip-takip ng bibig at ilong nyo dyan na may kasama pang pagngiwi?~sabi sa grupo ni Boss Hae.
Nakakaamoy kasi kami ng malansa.
Malansa?
Wala naman ditong isda sabi ni Boss Gu.
Lansa ng pagibig nangangamoy!
...
Sabi ni Nam Yeo... Mga ginoo ito na ang alak nyo!
Matapos maginuman natumba ang grupo nila Boss Gu...
Boss pagkakataon na!
Hehe!~sabi nito.
Nang nanakawan na nila ang mga ito'y bigla silang di makagalaw na nanghihina na para bang nagstuck ang kanilang buto at pagkatapos noon ay nakatumba na lang silang bigla...
Nam Yeo: Mga hangal, nanakawan nyo pa kami. Mga kasama kunin nyo ang kanilang mga armas. Hayst tandaan nyo mga hangal at sakim ang araw na ito, Ikadalampu't siyam na paghahari ni Haring Kim Geongsim at ikadalawampu't dalawa nang paghahari ni Lady Park bilang reyna ng Silla!
Papapatawad...
Inilabas ni Nam Yeo ang espadang maliit na magkabila ang talim at itinutok sa leeg ni Boss Gu...
Maawa ka sa aaaamin!~sabi ni Boss Gu.
Maawa pero kung natuloy ang inyong panloloob ay sino ang kawawa di ba, kami?
Aaaah!~di ito nakaimik at ang tangi nalang ginawa nito'y tumango sa pagsangayon dahil maging ang lakas nito sa pagsasalita maging pwersa sa pagbuka ng bibig ay wala na rin.
(Umungol silang lahat at pumapatak ang kanilang luha~lahat ng kasamani Boss Gu maging ito)
Sige, sige na!~nganga kayong lahat at intayin nyong matunaw iyan sa inyong bibig lunukin nyo pagkatapos noon ay makakapagsalita na kayo...(matapos matunaw ay nakapagsalita na nga sila pero nakatutok pa rin ang espadang maliit na dalawa ang talim...)