Chapter 8
Ms.Garcia.....tawag ng namamahala sa university.
Po...?nagtatakang sagot niya.
Someone wants to talk with you...
Tumingin siya Kay Arnie....sige na....hihintayin na lang kita dito wika nito.
Nilingon niya ang katabi ang buset na lalaki at mukhang busy sa paglalaro cellphone nito.
Nilingon siya nito at tinaasan ng kilay.
Nakuha pa siya nitong asarin.
She just shook her head...iniwan niya ang backpack at sumunod sa tagapamahala.
Nagtataka siya kung sino ang gustong kumausap sa kanya.Wala namang naghahanap sa kanya o kaya taong pinagkakautangan.
Napakamot tuloy siya ng ulo ng Wala sa oras.
Hija....tumigil ang director sa pinto.
Yes po ...?nais kang makausap ng may-ari nitong unibersidad.
Ho...?ito ang nagbigay ng ischolarship sa kanya kaya nakakapag-aral siya ng libre dito.
Bakit po?napabayaan ko po bo ang pag-aaral ko?bumaba po ba ang grades ko?nag-aalalang tanong niya.
Natawa naman ito sa kanya.Don't worry hija wala sa mga nabanggit mo....
Siya lang ang makakasagot sa mga tanong mo wika nito.
Marami siyang tanong at ito lang ang makakasagot.Huminga siya ng malalim bago sila nito pumasok sa loob.
Naroon ang butihing may-ari ng unibersidad na nagbigay sa kanya ng oportunidad na makapag-aral.Isang aristokratang babae na may awtoridad at kagalang-galang.Sa edad na pitumpo ay kakikitaan pa rin ng kagandahan kahit puti na ang mga buhok.
M-magandang umaga po Donya Amalia...
Lumingon ito sa kanya at ngumiti.
Good morning hija...halika...paanyaya nito.
Naupo siya sa tapat nito.Excuse me po Mam lalabas po muna ako paalam ng direktor.Sige Romulo salamat..
Hinarap siya ng matanda pagkaalis ng tagapamahala.
Hija ...Hindi na ako magpapaligoy-ligoy...
Sa dami ng pinagpilian kong mga estudyante....Ikaw ang napili ko sa karamihan..
P-para saan po? ok inosenteng tanong niya rito.
Para maging asawa ng kaisa-isa kong apo...
Po...?!nagulat siya sa sinabi nito.Asawa?!mahirap atang magsink sa utak niya ang sinabi nito.
P-pakiulit nga po?baka nagkamali lang siya ng dinig.
Asawa hija....napalunok siya sa sinabi nito.
P-pero po.....bakit ako?isa pa...Bata pa po ako at tiyak hindi papayag ang tiyahin ko...isa pa marami pa po akong pangarap...napakabata ko pa po.
Alam ko hija....huwag kang mag-alala sa pamilya ng tiyahin mo papayag sila tiyak yan sagot nito.
Tinignan niya ito....Please hija makinig ka muna sa sasabihin ko...
Matutupad mo pa rin ang mga pangarap mo...pag-aaralin kita at hindi mo kailangang makulong sa loob ng bahay.
Ang nais ko lang ay may makasama ang apo ko ...
Nabuhay siyang mag-isa at malungkot....gusto kong magkaroon siya ng katuwang sa lahat ng problema at pagsubok na pinagdadaanan niya.
Hija mabait ang apo ko ...once nakilala mo ang totoong siya maiintindihan mi siya..
Pero siguradong hindi po papayag ang apo niyo...maging ako po ganoon din po....mahirap magpakasal sa taong hindi mo gusto....
Alam na niya hija at pumayag na siya....
Ho?!nagulat siya sa sinabi nito....pumayag na ang apo nito?
Actually magkakilala na kayo....
K-kilala na niya ako?paano pong....
Hija yong....bago niyong kaklase sa isang subject siya ang apo ko.....
Po....?!her eyes widened when she realized something....that....thath jerk is the!oo nga naman pano ba niya nakalimutan ang sinabi ng professor nila na apo ito ng may-ari ng unibersidad.
Hahahaha.....Mam....sa tingin ko po ...nagkamali po kayo ng pinili...hindi po ako magugustuhan ng apo niyo at malabong magkagusto kami sa isa't -isa....kasi po may....may .. .
Na ano?tanong ng matanda.Nakagat niya ang ibabang labi ng maalala ang sinabi ng lalaki sa kanya.
Na may kasintahan siya putol nito sa gusto niyang sabihin.
Hmmm?Yes hija alam ko yon...kababata niya ang tinutukoy mo pero tinanggihan na siya nito...
P-pero po kasi....Please hija ...subukan mo lang....pakiusap.Isa pa pumayag na ang apo ko...
Napapikit siya ng mariin...kahapon lang ay isa siyang pangkaraniwang estudyante ngayon naman napailing maging asawa ng isang mayamang lalaki.
Ano ba tong nangyayari sa buhay niya?
P-pwede po bang pag-isipan ko muna?pakiusap niya sa matanda.
Oo naman hija hihintayin ko ang sagot mo at salamat hija.
Ako po ang dapat magpasalamat sa inyo.
Dahil sa inyo nagkaroon ako ng pagkakataon makapag-aral....
Wala yon hija kasiyahan ko ang tumulong sa mga tulad mo....
Nagpaalam na siya sa matanda.Magulo ang isip niya sa mga nalaman.Ang lalaking yon ...?mapapangasawa niya?malabo ata...Bukod sa hindi sila magkasundo ay mahal pa itong iba?
Kalokohan...napailing siya at wala sa sarili ng bumalik sa kanilang silid.
Matiim na nakatitig ang lalaki sa kanya.
Hmmp!inirapan niya ito dahil hindi siya makatitig ng diretso sa mga mata nito.
Kanina pa niya pinagmamasdan ang katabi.He already knew that his grandma went to speak with her siguradong alam na nito ang tungkol sa kasal.
She was confused and shock base on her act.Ni hindi ito makatingin sa kanya ng diretso.
Hanggang matapos ang klase ay tahimik silang dalawa.Sa ngayon he won't bother her and let her think about it.Tahimik siyang lumabas ng classroom.
Hoy Bonnie sino yong taong naghahanap sa'yo kanina?tanong ni Arnie.
Ah....yong may-ari ng unibersidad...nanlaki ang mga mata ng kaibigan.
S-si Donya Amalia?!ang lola ni Josh....natahimik siya ng banggitin nito ang pangalan ng lalaki .
Bakit daw?tungkol ba sa scholarship mo?tanong nito.
Umiling siya...tumingin siya sa kaibigan at hinawakan ang kamay nito.
Kung ikaw ba ipapakasal ka sa isang taong hindi mo naman gusto papayag ka ba?Lalo at may utang na loob ka sa pamilya nito?halimbawa ginawan ka ng kabutihan ng pamilya niya....anong gagawin mo?
Well kung ako siguro tatanggapin ko na lang as long as pumayag naman yong guy lalo kung mabuti naman ang pamilya niya.
Paano kung yong lalaki may mahal ng iba?Hindi naman tama yon di ba?tapos hindi mo rin siya mahal.
Depende yon sa lalaki.Kung pumayag siya ibig sabihin tanggap niya ang kapalaran niyang makasal sa iba pero kung talagang ayaw ng isang tao hindi mo siya mapipilit kahit ano pang gawin ng pamilya niya.
Teka bakit mo ako tinatanong?may nangyari ba?
K-kasi....ganito yon....Ano nga?!kulit ng kaibigan.
Ano kasi....yong si Donya Amalia....alam mo ba yong tungkol sa napapabalitang kasal ng apo niya?
Oo naman si Josh ang guwapo nating classmate sa economics....oo kalat na yon dito pero gosh ang bata pa niya para ikasal.Well ang alam ng lahat Kay Stacy siya ipapakasal Anong konek sa'yo?tanong ng kaibigan.
A-Ako ang ....ang ipapakasal sa kanya...
Naibuga nito ang soft drinks na iniinom.
Anong sabi mo Bonnie?
Ako ang ipapakasal sa kanya ng lola niya at malaking problema to Arnie!ayoko sa lalaking yon!
Seryoso ka ba?baka nilalagnat ka lang?o kung ano?!,Hindi pa rin makapaniwala ang kaibigan.
Totoo ang sinasabi ko!sa mga pinagpilian ako ang minalas!
Ano ka ba?!Anong malas,?!swerte!pagkakataon mo na to para gumanda ang buhay at makaalis sa poder ng tiyahin mo!
Pero hindi kami magkasundo ng lalaking yon!
Hay....sa umpisa lang yan ....kung hindi pa rin iwasan mo na lang siya pretend na hindi siya nag-eexist.Natampal niya ang noo sa kabaliwan ng kaibigan.