Chapter 19: Strong Vigor

1195 Words
ICEANDRA'S POV "Bakit mo ba ako tinuturuan?" tanong ni Zi. Kanina ko pa siya ineensayo ngunit puro tanong nalang ang ginagawa niya. "Sumunod ka nalang." maotoridad na sabi ko. "Eh paano mo ako matuturuan niyan, machete ang akin, sayo naman ay pana." reklamo niya. Oo nga no? Hinipan ko ang kamay ko, nawala ang palaso ko at naging machete. "Oh heto na." sabi ko saka siya nginisian at itinutok sa kanya ang macheteng hawak ko. Umiling siya. "Seryoso ka talaga?" sabi niya. Tumango ako at tinignan siya ng matalim. Sinubukan ko siyang atakehin pero nasalag niya ang machete ko gamit ang kanya. Magaling! Sabi ko sa isip ko. "M-masyado ka namang s-seryoso." sabi niya. Ngunit hindi ko iyon pinansin, bagkus ay inatake ko siya sa may binti niya nang hindi niya inaasahan pero nakailag naman siya agad. "Seryoso ka talaga?" tanong na naman niya. "Alam mo, kailangan mo talagang maging seryoso. Hindi mo alam kung ano o kung sino ang kinakalaban mo dito sa Gracean, gaya ng Reyna, kaya niyang mag-ugaling seryoso at komedyante pero may ibang plano o adhikain. Gaya nga ng sabi mo rati, hindi lahat ay mapagkakatiwalaan mo rito." Napatigil siya sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin?" "Malalaman mo naman kung peke o totoo ang isang nilalang, e." sabi ko. Umiling siya. "Paano?" Tinignan ko siya sa mata. "Tignan mo ang kanilang mata, gaya ko, tignan mo nga ako, kung peke ako o totoo." Agad niya akong nilapitan. Sobrang tagal na ng titig niya sa akin kaya nailang na ako. "Ano, nalaman mo na?" tanong ko. "H-hindi e. Ang hirap naman." sabay kamot niya sa ulo. Tinignan niya pa ako hanggang sa mailang na talaga ako kaya tinulak ko siya. "Huwag na nga!" "Aray ko naman! Makatulak ka wagas ha?" reklamo niya habang nakahawak sa dibdib niyang itinulak ko. "Hindi mo naman ako kagaya na may kakayahan e!" sinamaan niya ako ng tingin. "Okay, okay, sorry na agad." sabi ko at tinalikuran siya. Naramdaman kong lumapit siya sa 'kin. "Ikaw naman tong nagtatampo, ngayon." sabi niya na ikinangiti ko nang palihim. Kung alam mo lang na nagbibiro lang ako, sabay ngiti ko ng todo, hindi naman niya kita e. Hinarap ko siya nang seryosong mukha. "Hindi no!" angil ko. "Tara na nga!" sabi ko at nagsimula na kong maglakad, sumunod naman siya. Bigla akong napatigil nang makaramdam ako ng kakaibang enerhiya mula sa paligid. Agad-agad kong hinipan ang aking kamay upang ilabas ang aking palaso. Nagsalita si Zi mula sa likod ko. "Bakit?may kalaban ba sa paligid?" tanong niya ng may pag-aalala at agad ding inilabas ang kanyang machete. "May kakaibang enerhiya akong naramdaman, at sobra itong malakas." tugon ko. Sabay kaming napalingon ni Zian sa isang kidlat na bumuo sa kalangitan. At bigla na lamang kumulog, dumilim na rin ang paligid. Naku, mukhang ang enerhiyang iyan ay nanggagaling sa mahiwagang bracelet. Nagkatinginan kami ni Zian. "Si Kairi!" AVRIELLA'S POV Kung sila Zian, Kairi, Iceandra at Clyde ay nag-eensayo, siyempre ako rin. Habang nag-eensayo ako ay biglang may nagsalita sa likod ko. "Turuan kita, you want?" Agad ko siyang tinignan, at nakita ko si Abraham na nakangiti. Agad ko siyang inirapan. "No, kaya ko 'tong mag-isa. Kaya kong palabasin ang buong kakayahan ko nang walang tumutulong sa 'kin." sabi ko. "Ang haba naman ng sagot mo, ang iksi-iksi ng tanong ko. 'Wag mo namang ipamukha na ayaw mo 'kong makita o makasama man lang." naramdaman kong sincere siya sa pagkakasabi niyang iyon pero hindi ko nalang iyon pinansin. Napangisi ako ng may makita akong hindi matinik na ugat, agad kong ginamit ang kapangyarihan ko at ipinulupot ito sa kanya. "Ay, pasensya, 'di ko sinasadya." sarkastiko kong sabi habang nakangisi. Ipinagpatuloy ko ang pagpapalabas ng buo kong kakayahan habang gumagawa siya ng paraan upang makawala sa ugat na nakapulupot sa kanya. Pinikit ko ang aking mata. Sinubukan kong pagalawin ang mga bato sa harap ko. "You know what, you can do it if you agree that I will train with you." Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Nakita kong natanggal na niya ang ugat na ipinulupot ko sa kanya. "Alam mo, mas mabuti na lang na manahimik ka upang maka-concentrate ako sa pag-eensayo ko. Bumalik ka na nga lang doon!" inis na sabi ko. "A-aray ko naman po." sabi niya habang umaaktong masakit ang kanyang dibdib. "Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan." "Tumigil ka nga diyan." sabi ko. "Ano ba ang gusto mong gawin ko, mapatawad mo lang ako?" tanong niya. Nakaramdam ako ng awa roon, ngunit ipinasubali ko ito dahil hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya. "Wala." sabi ko. "Wala kang dapat gawin dahil hinding hindi kita mapapatawad, gets?" itinaas ko ang kaliwa kong kilay habang nakatingin sa kanya. Nginisian niya ako. "Hindi. Alam kong mapapatawad mo rin ako, hindi ako titigil. Kahit ano, gagawin ko para mapatawad mo ako, kayo nila Iceandra." sabi niya. Kahit ano? Hmm, palihim akong napangisi sa sinabi niya. "Sure ka, kahit ano talaga?" Nagdalawang-isip pa siya pero tumango rin naman. "Okay." sabi ko at ngumisi na talaga sa kanya. "Alam mo, Avriella, iba ang naiisip ko sa ngisi mong 'yan. 'Wag naman." Natawa ako pero agad ding sumeryoso. "Ano ba? Madali lang naman ipapagawa ko, e." sabi ko. "Punta ka roon sa isang puno na may malaking bato sa harapan at umupo ka roon. Oh diba madali lang?" "O-okay." agad siyang pumunta roon at umupo. Pagkatapos ay agad kong ipinulupot sa kanya ang ugat sa tabi ng puno sa likod niya. "Ano ba, Avriella! Wala namang ganito sa sinabi mo ah?" reklamo niya habang pinipilit na kumawala sa ugat ng punong nakapulupot sa kanya. "Sabi mo kasi kahit ano diba?" sabi ko at hinipan ang kamay ko at nilabas nito ang palaso ko. "Avriella naman e! Alam kong galit ka, pero huwag namang ganito!" pagsusumamo niya sa 'kin. Ngumisi ako. "Wala pa nga akong ginagawa e, takot na takot kana diyan agad." inasar-asar ko pa siya. "Diba sabi mo tuturuan mo 'ko mag-ensayo?" "Oo, pero hindi naman sa ganitong paraan." Biglang dumilim ang paligid. Kumulog at kumidlat, pagkatapos ay nabigla ako nang matanggal ni Abraham ang ugat sa katawan niya gamit ang kidlat. Magaling din talaga 'to ha. I believe! Pagkatapos niyang matanggal iyon ay nabigla ako nang lumapit siya sa 'kin. Nilapit niya ang kanyang mukha, as in, magkalapit na magkalapit, malapit nang magdikit ang labi naming dalawa. "Akala mo ba hindi masakit ang paggapos mo sa 'kin?" seryoso niya akong tinignan. Akmang sasagutin ko na siya nang may tumawag sa amin. "Abraham! Avriella!" Nakita namin si Sin Wern na may kasamang lalaki na nakalutang sa ere. Ginamit niya ang kanyang mahika rito sa tingin ko. "Anong nangyayari?" agad kong tanong. "I'll explain later. Pero hali kayo! May kailangan kayong makita!" sabi niya habang natataranta. Tumakbo na kami upang tignan ang sinasabi niya. Ngunit agad kaming napatigil sa pagtakbo nang makaramdam kami ng kakibang enerhiya na sa tiyak ko ay sobrang lakas nito. Nagkatinginan kaming tatlo sa naramdaman namin. At sabay-sabay rin kaming nagsalita nang marealize namin kung ano o sino iyon. "Kairi!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD