Chapter 6 BARAKO
"Maya na tayo usap. Madami bisita dito baka mahuli ako nagccp. Sorry" text ko sa iyo. Dahilan para makaiwas.
Ganito ba nararamdaman mo dati? Tanong ko sa yo sa aking isipan. Nung mga panahong ako ang namamalimos at puno ng alinlangan ang utak mo, ganito ba pakiramdam mo?
Kahit mahal kita, tinutulak ka palayo. Kasi ito ang tama.
Kailangan kong maging matapang. Kailangan ko itago nararamdaman ko sa yo para matutunan mong bitiwan ako.
Pinalipas ko ang isa, dalawa oras di kita tinext.Kasabay ng pag-inom ng kapeng barako. Sa utak ko buo na ang plano. Lalayo na ako.
Sinadya kong ipangako sa yo kagabi na di kita iiwan. Sinadya kong sambitin na mahal kita. Sinadya ko ipadama sa yo na mahalaga ka dahil yun ang totoo. Gusto kong ipadama sa yo kahit sa huling pagkakataon.
Alam kong aantayin mo ang text ko. Alam ko aantayin mo mag-online ako pero katamikan lang muli mo makukuha.
Hindi ako magpapaalam. Walang magiging bakas ang aking paglayo.
Kahit may kirot sa puso ko. Kahit nag-aalala akong muli kang iiyak at di makakapagpahinga. Kahit alam kong muli kang magtatanong. Kailangan ko maging matapang para sa tin dalawa.
Nangako akong aalalayan ka pero alam kong kapag tumagal mas lalo ka di mkakabitiw at masasaktan. Kaya kahit alam kong madudurog ka, muli ako ay lalayo.
"Paalam. Mahal na mahal kita. " bulong ko kasabay ang pagrestrict muli sa yo.
Sa paglipas ng oras naiisip kita pero dapat pigilan ang sarili. "Ito ang tama" pauulit- ulit kong sinabi sa sarili. Kinukumbinse ang nagwawalang puso ko.
Hanggang tumunog ang cp ko. Mensahe mula sa yo.
"Beb kung di mo na talaga kaya ako hawakan cge na bumitiw ka na.
Alam ko ang hirap hirap ng sitwasyon for you. Bitiw ka na para makahinga ka na ng maluwag. Di mo na ko need pagtaguan o pagtyagaan. Sorry ginawa ko mas komplikado ang mga bagay. Sorry napahirapan kita.
Baka wala na talaga puwang dyan sa puso mo for me....
Salamat sa pagtanggap sa kin ulit. Salamat sa pagsubok na iparamdam sa kin na mahalaga ako.
Mahal na mahal kita. Sobra pagsisi ko na tinulak kita palayo nuon.pero wala na ako magagawa ngayon hindi ka na akin.
You dont need to reply. Wala ka na naman dapat iexplain sa kin na kahit ano. After you read this block me ( sss, messenger at txt ) That way kahit gustohin ko tumakbo pabalik sa yo hindi ko magagawa. Para malaya ka rin makapagpost din ng kahit ano tungkol sa inyo ng gf mo.
Gusto ko ilaban ka pero wala na ilalaban eh.
Dont worry about me. Magiging ok din cguro ako.
I love you beb."
Hindi ko inaasahan ang message mo. Akala ko sa tin dalawa ako ang matapang. Hindi pala...Mas matapang ka dahil nagawa mo magpaalam. Mas matapang ka dahil nagawa mo lunukin ang sakit at pait.
Sa mga oras na yun gusto ko tumakbo sa yo at akapin ka. Gusto ko sabihing mahal na mahal kita. Gusto ko ikaw ang piliin pero alam kong hindi tama.
Kung alam mo lang na ikaw ang gusto ko makasama habang buhay. Ikaw ang andito sa puso ko. Ikaw at ikaw ang gusto ko piliin. Mahal na mahal kita pero wala tayo bukas.
Nanginginig ang mga kamay at tumulo ang luha. Muli kita pinagbigyan sa kahilingan mo. BLOCKED.
"Tara kape tayo "