“Ano na naman ang pinasok mong gulo, Viz? May nakapagsabi sa akin na pumunta ka raw sa selebrasyon ng kaarawan ni Señora Blanco?” tanong ni Zeki sa kapatid. Pumasok lang ito ng opisina niya nang walang pasabi. Hindi na nag-angat ng ulo si Viz mula sa mga binabasa niyang dokumento. Abala siya sa mga nagpatung-patong na trabaho. Kakapirma niya lang din sa final draft ng hearing notice ni Sassa at ng mga kasama nito. He specifically told Alfonse to schedule the administrative hearing the soonest time possible. Ang gusto nga talaga niya ay sesantehin ang mga ito noong araw palang na masaksihan niya kung paano tratuhin ng mga ito si Nessa. Pero ayaw niyang bigyan ng oportunidad ang mga itong mag-file ng kasong Illegal Dismissal sa National Labor Relations Commission. He didn’t want to see the

