“Tutal ay magkasama naman na tayo ngayon, bakit hindi na lang tayo dumaan saglit sa bahay nina Perlas at Zeki? Sigurado akong nami-miss ka na ni Perlas.” Napalingon si Nessa kay Viz. Nakatuon sa kalsada ang mga mata ng huli, pero alam niyang nahahagip siya nito sa gilid ng mga mata nito. Viz was smiling—genuinely. And it reminded her of the first time she ever saw him. Nakangiti rin ito noon. Pati mga mata nito ay nakangiti rin. Nagbawi siya ng tingin at itinutok sa labas ng bintana ang mga mata, kumakabog ang dibdib niya. Tumitibok nang malakas ang puso niya. Pakiwari niya ay nawalan ng tunog ang lahat sa paligid niya at ang tanging maririnig na lang ay ang pagpintig ng kanyang puso. Disimuladong kumuyom ang mga kamay niya sa tela ng suot niyang pantalon. Pamilyar siya sa t***k na iyon

