LAMCE'S POINT OF VIEW Tatlong araw na ang lumilipas mula nang makabalik kami sa Pilipinas. Ang video ay na-email na sa akin at ngayong araw din darating ang delivery ng hard copy nito. Soft copies ang na-email sa aming account ni Jake kahapon. Busy akong tinatrabaho ang mga pinadala rin dito ni Caroline na paperworks. Natambakan ako ng gawain dahil na rin sa pagpunta namin ng New York. Nilingon ko si Jake na busy rin asikasuhin ang trabaho niya. “Yes wifey?” tanong niya at lumingon sa akin na may makalaglag underwear na ngiti. Ang lakas talaga ng radar nito kapag may nakatingin sa kaniya. “Ahm, w-wala. Siya nga pala, hindi ka ba nagugutom? Binabalak ko kasing magluto ng pancakes saka magtimpla ng kape,” sambit ko, nagugutom na rin naman ako lalo na pareho kaming hindi nakakain ng lun

